CHAPTER 35

1.2K 64 1
                                    

Sabi sa’kin ng attendant ko from other country, nahuli na din daw si Ian. Hindi na din sinuportahan pa ni Grandma para naman magtanda. Wala siyang pambayad para kumuha ng lawyer niya.

Sa klase ng pamumuhay nila at pagtrato nila sa mga tao, alam kong wala ding tutulong sa kanila para makakuha sila ng lawyer.

---

Iniwan ko naman si Vladimier at dumiretso na ako sa hotel.

Kino-contact ko naman ngayon si Mommy Violeta. Ang kaso ay hindi niya sinasagot ang tawag ko. Palagay ko ay pareho silang tulog ngayon ni Loke.

Gabi na pala nung makalabas ako galing prisinto. Dumaan muna ako kanina sa convenience store na nasa labas at malapit lang sa hotel saka bumili ng ice cream bago nagpasyang pumasok sa hotel kung saan kami nakacheck-in.

Nung makarating sa floor namin ay agad kong nakita si Ikeem na umiiyak. Nasa harapan siya ng pintuan ng room 27. Room 25 naman ako.

Palagay ko ay nakita niya din ang video footage tungkol sa Mommy niya lalo’t nabanggit ang pangalan ng mga ito. Kahit sa TV ay makikita din ang video sa pag-amin ni Ate Christy.

Ano kayang iisipin niya sa’kin kapag nalaman niyang ako ang nagpakulong sa kinikilala niyang Mommy?

Lalapitan ko na sana siya nung marinig ko ang pagbukas ng elevator.

“Son?” Tawag niya sa anak saka ito mabilis na niyakap.

Kunot-noo ko silang pinagmasdan. Nakaramdam ako ng insecurity para sa anak kong si Loke.

Hindi na ako lumapit pa kay Ikeem. Baka kamuhian niya lang ako sa bandang huli. Hindi naman ako galit sa kanya dahil nakuha ni Vlad ang number ko. Inamin ni Vlad mismo na kinuha niya ito kay Ikeem. Hindi rin naman si Vlad yung tipong magsisinunggaling. Pero siya yung tipong malihim.

Dumiretso na ako sa room ko. Pagpasok ko ay dumiretso ako sa kama para sana tingnan ang anak kong natutulog.

Ngunit sa pagdating ko ay wala akong nadatnang Loke. Pare-pareho ang kwarto namin nila Mom Violeta. Agad akong tumawag sa address namin para sana tanungin kung nasa bahay na ba sila Mom and Loke. Pero ang sabi sa’kin ay wala pa daw.

Kinabahan naman ako.
Tinawagan ko rin si Dad Amancio. Ang sabi niya sa’kin ay hindi niya kasama ang asawa niya at ang anak ko.

Wala sanang nangyaring masama sa anak ko. Maging kay Mom Violeta.

Agad akong lumabas ng kwarto. Nakita ko si Divine na may dalang mga papel at hinihingal. Kausap niya ngayon si Vlad.

I heard nagtatrabaho si Divine ngayon sa kumpanya nila Vladimier. Unti-unti na din daw itong nakakabangon dahil sa sarili niyang pagsisikap.

Pasimple akong naglakad upang hindi nila ako mapansin. Nagsasalita si Divine habang binabasa naman ni Vlad kung ano man ang nakasulat sa mga papel na hawak. Nakita kong parang natuwa siya. Sumigla kasi ang mga mata niya saka napangiti.

“Tita Lonie.” Pagtawag sa’kin ng boses ni Ikeem. Nakuha ko naman ang atensyon ng dalawa.

Eh?

“Lonie?” Gulat ni Divine. “Nandiyan ka pala! Ba’t ka nagtatago?” Tanong niya. Napatingin naman ako sa sarili kong nagtatago na pala sa indoor plant na ka-size ng tao.

“Tsk!” Napasinghal ako at nagpakita sa kanila.

What the h3ll am I even doing right now? Why am I hiding?

“Tita Lonie. You okay? Hinahanap niyo po ba si Loke? Tulog po siya.” Tanong ni Ikeem. Nagulat naman ako sa sinambit niya.

Nagkita na ba sila ni Loke? Kilala niya na ba ang anak ko?

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now