CHAPTER 22

1.1K 58 12
                                    

“Later na tayo mag-yakapan. Bago sumapit ang alas dose, kinakailangan nating mahanap ang katawan mo.” Sabi ko sa kanya.

“Bakit alas dose?” Tanong niya.

Di ko alam. -.- Nabasa ko lang kay Cinderella. >,<

“Wag ka nalang magtanong. Sumama ka sa’kin. May isang kwarto pang hindi nabubuksan. Nandun na marahil ang katawan mo.” Iritableng sabi ko para hindi na siya magsalita pa.

Kukuda na naman ‘to e! -.-

“Okay.” Tanging sagot niya.

Mabuti na lamang at pursigido din siyang mabuhay.

Naglakad na kami palabas ng kwarto. Nakita ko si Vlad na nakasilip din sa labas kung nasaan ang ibang naging biktima. Marahil ay nagbabantay siyang baka may ibang pumasok sa loob.

Sumenyas ako kay Vlad na samahan niya ako sa isang kwarto lalo’t parang may kailangan ulit gamitan ng utak para mabuksan ang pinto.

Humarap ako kay Ivory at hinayaan nalang si Vlad sa mga kinakalikot niya.

“Natutuwa akong nandito ka sis!” Galak na sabi ni Ivory.

Well, mag-isa lang siya kanina sa loob ng kwarto. I can feel her loneliness. At naiintindihan ko siya sa part na yun.

Bumukas ang pintuan at agad akong sumilip sa loob. Nakita ng mga mata ko ang katawan ni Ivory na may mga aparatus din sa magkabilang higaan niya.

Pumasok kaming tatlo sa loob. Pero bago bumalik si Ivory sa katawan niya ay kinausap niya muna ako.

“Sobrang saya ko sis! Maraming salamat at nakilala kita. Don’t hate your ability sis. Kung hindi dahil sayo, hindi kami makakaligtas sa gabing ito. Malamang ay sabay-sabay kaming mamamatay.” Napatingin siya sa nakahigang katawan niya. “Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nakabalik na ako sa katawan ko. Kung maalala ko pa ba ang naging journey ko habang isa pa akong buhay na kaluluwa. Pero sis, sana wag mo ding kakalimutan  na sobrang mahal kita.” Sabi niya saka niyakap ako.

“Wag mo nga akong artehan. Bumalik ka na dun sa katawan mo.” Walang ganang sabi ko.

Kung makapagsalita, akala mo talaga magpapaalam eh. Babalik lang naman siya sa katawan niya. -.-

Hindi na din nagtataka si Vlad  kahit magsalita akong mag-isa lalo’t alam niya na ang tungkol sa’kin.

----

Dahan-dahang bumalik si Ivory sa katawan niya.

Naghintay muna ako ng ilang minuto sa paggising niya.

Nakarinig naman kami ng ingay sa labas. Napatingin ako kay Vlad na para bang kampante lamang ang expression ng mukha.

“Anong nangyayari sa labas?” Takang tanong ko.

“Gising na sila. Dumating na din ang mga rescue pati ang mga pinatawag kong private doctors. Nathan guide them here.” Sabi ni Vlad.

Nathan?

“Nandito siya? Alam niya ang tungkol sa plano natin?” Tanong ko.

“He heard you talking to your friend under the tree. He’s listening from behind that big body of the tree. After that, he tried to contact me instead. Then we both made the plan.” Paliwanag ni Vlad.

I see.

“Vladimier?” Rinig naming pareho ni Vlad sa pamilyar na boses. Mahina pa ito pero nakikilala ko kung kanino galing iyon.

IN ANOTHER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon