CHAPTER 11

1.4K 72 23
                                    

“May sasabihin sana ako sayo, Lonie. Di ko lang alam kung papayag ka. Hindi ka naman namin pipilitin kung ayaw mo.” Nahihiyang sabi ni Divine.

“Tsk! What is it?” Tanong ko.

“I heard some crazy rumors about---.” Napatingin muna siya saglit kay Vlad saka nagpatuloy sa pagsasalita. “You know, about you and Adam lastnight.” Sabi niya. Para bang nahihirapan siyang maghanap ng tamang salita para hindi ako magalit at masaktan sa kung ano man ang sasabihin niya.

“Na may nangyari daw sa’min? Na malandi ako dahil natulog si Vlad kagabi sa bahay?” Walang ganang tanong ko. “Lahat yun alam ko na. Hindi na ako nagtataka sa mga rumors na nangyayari sa’kin araw-araw. Halos kasi lahat ng estudyante dito, sa’kin nakatingin at ako ang punterya! Ganun na ba ako kaganda para kainggitan nila?” Dagdag at walang prenong sabi ko.

“Wow Sis! Haba ng hair! Hindi ba mabigat ang magbuhat ng sariling upuan, sis? HAHAHA Pero... laban sis! Suportado kita! Maganda ka naman talaga! Inggit lang ang iba! Wag kang patalo sa mga Aleng Marites sa paligid!” Pagsingit ni Ivory.

“N-narinig mo na pala.” Nahihiyang sambit niya.

“So? Ano ngayon ang kailangan mo sa’kin?” Tanong ko.

“Nag-usap-usap kasi sila Briannah kanina na gusto nilang pumunta sa bahay niyo para malaman kung may ibang tao bang nakatira sa inyo. Maniniwala lang daw sila na walang nangyari sa inyong dalawa ni Adam kapag napatunayan nilang may ibang kasama ka nga sa bahay niyo. Sorry, wala man lang akong nagawa para ipagtanggol ka sa kanila. Alam ko namang tungkol lang sa activity ang ginawa niyo kagabi. Sorry din kasi may bago na naman silang ibinabato laban sayo.” Nakayukong sabi niya. Mababakasan naman sa hitsura niya na talagang gusto niyang humingi ng tawad sa’kin.

“Bet ko rin tong’ kaklase mong si Divine, Sis. Mukhang naiintindihan din ang side mo! Walang dudang kakampi din natin siya laban sa maraming aleng marites!”

Kanina pa ‘tong multo na ito sabat ng sabat. -.-

“I could not care less kung pagsalitaan man nila ako ng kung anu-ano. Isa pa, hindi ko obligasyong ipaliwanag ang sarili ko sa kanila. Pinanganak ako ng parents ko na wala silang lahat sa tabi ko. Kaya naman mabubuhay din akong hindi ko sila kakailanganin sa buong buhay ko magmula noon, ngayon at sa darating na panahon. Selfish na kung selfish! But I don’t need them.” Sabi ko.

“Taray sis! Pero sis, why not do something naman diba para magbago na ang tingin nila sayo? Habang buhay ka nalang bang ganyan? Pano kung wala ka na dito sa school? Kapag grumadweyt ka na, wala kang ibang kaibigan maliban sa’kin. Alam mo namang hindi ako makalabas sa school na ito dahil dito ako pinatay diba? Do something to change your life, sis.”

Nag-eenglish na naman ‘tong multo na’to. Pinapangaralan pa ako. -,-

“Naniniwala naman ako sayo, Lonie.” Nakangiting sabi ni Divine.

“See that smile? Wag sayangin, sis! Bihira lang ang mga taong tatanggap sayo ng buo. Tanggap naman kita pero hindi na ako tao eh! HAHAHA! Multo na ako, multooo. Moooooo...” Sabat ulit ni Ivory. This time totoong multo na nga ang huni niya.

-.-

Aalis na sana si Divine nung pigilan ko siya.

“Wait!”

“Bakit?” Nagtatakang tanong niya.

“I-if gusto mong pumunta, you can go.” Sambit ko sabay napatingin sa labas ng bintana.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now