CHAPTER 17

1.2K 56 0
                                    

THE NEXT DAY...

“Sure ka na ba sis? Wala nang atrasan ‘to?” Paalalang tanong sa’kin ni Ivory. Tumango lang ako. About naman sa rumors na kumalat kahapon. Mukhang hindi ko na ulit iyon naririnig pa ngayon. Marahil ay may ginawa nga ang Dean tungkol dito.

Vacant time namin. Naglalakad na ako papunta sa infirmary. Gusto kong makausap yung school nurse namin.

May hinala na ako sa ibang bagay. Pero hindi ko pa masyadong kumpirmado kaya hindi na muna ako magsasalita kahit kanino. Not even to Vlad and Ivory.

Pagbukas ko ng pintuan sa infirmary, nakita ko ang nurse at si Vlad na nag-uusap.

Anong ginagawa ni Vlad dito?

Napatingin silang dalawa sa direksyon ko.

“Anong kailangan natin, Iha?” Tanong niya nung makita ako.

“Can we talk?”

“Tungkol din ba kay Maricar Corpuz ang pinunta mo dito? Sinasabi ko sa inyo, wala akong alam tungkol sa kanya. Naging pasyente ko siya pero ngayon hindi ko na alam kung nasaan siya lalo’t nawawala sila at hindi na pumasok pa.”

‘Din ba?’

Ibig sabihin, ganun din ba ang ipinunta ni Vlad dito?

Teka--- Sinabi niya bang ‘SILA’?

Kahit sabihin nating marami nga ang nawawala, si Maricar lang naman ang ipinunta ko dito lalo’t iyon lang ang nakita ko sa record na hawak niya.

There’s no doubt! May alam siya.

Napatingin ako kay Vlad na ngayon ay tahimik na nag-iisip.

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko si kamatayan sa likod niya.

“Hala sis! Yung grim reaper, nasa likod ni Vlad!” Bulalas ni Ivory.

Alam ko... At nakikita ko rin...

Isa lang ang nakikita kong dahilan dito.

Ang pagpunta niya dito para i-confront yung nurse, marahil ay malapit na ang progress sa kung anumang investigation niya kaya siya ipapaligpit ng mga ito.

Should I tell him?

Pwede ring gawin ko ang lahat para hindi siya mawala sa paningin ko.

Na-appreciate ko naman yung naging effort niya sa’kin nung nawala nang tuluyan si Liam. It’s about time for me to do something para iligtas siya ngayon.

I’m going to change his fate!

That’s the least I can do to save him!

“Vlad... let’s go.” Pagyaya ko sa kanya na siyang ikinagulat niya. Tumango siya saka tumayo.

Hinawakan ko ang kamay niya saka hinila palabas ng infirmary.

“What’s gotten unto you?” Tanong niya. Umiling lang ako.

Baka mas lalong ikapahamak ni Vlad kapag sinabi ko sa kanya ang grim reaper sa likod niya.

Hindi na siya nagsalita at nagpapatianod nalang sa hila ko. Pinagtitinginan na din kami ng ibang mga estudyante.

“Sis, enjoy na enjoy ka namang hawakan ang kamay ni Vlad. Hahaha.” Tukso ni Ivory.

Nag-umpisa na naman ‘tong multo na’to. -.-

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na kami sa loob ng classroom.

“Listen, Vlad. Kapag lalabas ka ng room o may gusto kang bilhin at puntahan, isama mo ako.” Sabi ko.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now