CHAPTER 28

1.1K 64 3
                                    

GRADUATION DAY...

DIVINE POV

Si Vladimier ang naging Magna cumlaude sa batch namin. Nag-speech siya kanina at halata ang lungkot sa mga mata niya.

Palaging nakabuntot sa kanya si Ivory. Balitang-balita din sa buong university ang pagiging mag-fiancee nila.

It’s been 5 months simula nung mawala si Lonie. Walang nakakaalam kung nasaan siya, pero buong estudyante sa loob ng university, nalaman na Ninong ni Lonie ang Dean namin. Lalo’t labis-labis ang pag-aalala nito nung hindi na siya pumasok pa.

Pinahanap namin siya sa mga pulis. Naghintay ng 24 hours para i-declare na missing person si Lonie. Pero kahit yung CCTV footage ng buong building, hindi man lang nakita ang paglabas niya. O kahit yung mga kahina-hinalang tao sa paligid na posibleng dumukot sa kanya.

Hindi ko na tuloy alam kung buhay pa ba siya o baka kung anu nang nangyari sa kanya.

Alam kong gumagawa ng lihim na imbestigasyon si Adam kahit palaging nakabuntot sa kanya si Ivory.

Hindi namin nagustuhan ang naging pag-uugali ni Ivory sa loob ng limang buwan. Ultimong paglapit namin kay Adam dahil meron lang kaming katanungan, hindi niya rin pinahihintulutan. Para bang sobra-sobra na ang pagdadamot niya kay Adam.

Adam can do things on his own ways nang hindi niya kailangang diktahan ng kung sino. Nakapagtataka lang ngayon na para bang hinahayaan niya lang si Ivory sa kung anong gusto nito kahit wala naman talaga siyang pakialam.

“By the way, pupunta na kaming states. Dun na din kami magpapakasal ni Vlad.” Pabidang sabi ni Ivory sa’min. Nakapulupot pa ang kamay niya sa braso ni Adam.

Si Adam naman ay parang wala lang. Animo’y nawalan na din ng puso dahil sa kawalan ng gana ng mata niya pero halata mo ang pinaghalong galit at lungkot.

“Yeah, you can go anywhere, may slot ka na din sa hell.” Pabalang na sabi ni Marie.

“Marie!” Saway ko sa kanya.

Ivory’s a rich kid. Kahit anong gusto niya, nakukuha niya. Nung minsan may babaeng lumapit lang noon kay Adam, bigla niya itong sinabunutan. Pagkatapos ay pinagbantaan hanggang sa hindi na din pumasok.

“May problema ka ba sa’kin?” Malditang tanong ni Ivory kay Marie.
Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ni Marie. Naikuwento na sa’min ni Nathan lahat nang nangyari. Buong detalye.

“Wala. Ikaw ba may problema ka sa’kin? Nagpa-reserve lang ako ng slot mo sa hell. Wag kang mag-alala, dahil nagpa-reserve na din ako ng akin.” Sabi ni Marie.

Para bang may iba siyang pinupunto sa sinabi niya.

It’s like, she’s saying na we’re going to hell using the same boat. Because we’re the same.

Well, nakilala namin si Marie dahil umamin din siya sa mga kalokohang ginawa niya noon. Pero alam kong nagawa niya lang iyon dahil sa labis na pangungulila at pagmamahal niya sa ate niyang si ate Maricar.

“Tch!” Singhal ni Ivory. Ewan ko ba kung bakit pagdating kay Marie, hindi masyadong nagsasalita si Ivory. Alam niya siguro na medyo may pagkapareho ang ugali nila ni Marie.

Nabalitaan din namin ang tuluyang pagbagsak ng Gray’s Empire.

Hindi namin alam ang dahilan lalo’t walang nababanggit si Adam at ang media. Ang tanging sabi lang ay nagkasakit ang mga magulang ni Adam.

Pero kapag tinatanong namin siya, pagsinghal lang ang tanging sagot niya tsaka parang badtrip. Kaya naman hindi na namin siya kinukulit pa lalo’t maliit na oras lang din naman ang nakukuha namin sa kanya dahil kay Ivory.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now