CHAPTER 19

1.2K 66 5
                                    

Matapos kong manood ay nagpasya na akong matulog.

“Vlad, let’s go!” Pagyaya ko.

“Where to?” Tanong niya.

“Sa kwarto.” Wala sa sariling sambit ko.

“Really?” Sumilay ulit ang nakakalokong ngisi niya.

That’s when I realized what I’ve said.

Sh^t!

“H-hindi kita pwedeng iwan sa kwarto ni Liam. B-baka mamaya bangungutin ka. K-konsensiya ko pa kapag dito ka mamatay sa bahay ko!” Utal na depensa ko, may halo kunwaring galit ang tono ng boses ko.

“Ah. So, I see.” Kunwaring sabi niya pero halata ang sarcasm sa boses niya.

Talagang nang-aasar ang damuhong ‘to! -.-

Pag nawala talaga si kamatayan sa likod mo, yari ka sa’kin!

Nauna na akong maglakad sa kanya. Hindi ko siya pinapansin kaya naman nagparinig siya sa’kin. Nahihiya ako dahil feeling ko namumula ang mukha ko.

“Protect huh? Kaya pala hindi nakatingin sa’kin. Ganito pala yung sinasabi niyang pagbibigay ng proteksyon.” Sarkastikong sabi niya. Alam kong kahit hindi ako nakatingin sa kanya ngayon ay nakangisi siya at may ngiting tagumpay.

“Anong gusto mo?” Tanong ko nang hindi parin nakatingin sa kanya. Diri-diretso lang ang lakad ko papunta sa kwarto.

“Look at me.” He said with an authority on his voice kaya naman napalingon ako sa direksyon niya. Pero tinatakpan ko ng dalawang palad ang buong mukha ko.

“Umayos ka Vlad ha? Naku!” Panggigigil kong sabi.

“Why are you covering your face?” Tuksong tanong niya.

“It’s your fault!”

“And why is that?”

“Ewan ko! Nag-iinit ang buong mukha ko dahil sa mga pinagsasasabi mo!” Iritableng sabi ko sa kanya.

“Pfft--.” Pigil na tawa niya. Hindi ko alam kung bakit siya natawa.

“Problema mo?” Hamong tanong ko. “Kumuha ka nga dun ng yelo. Papalamigin ko lang ang mukha ko. Lalagnatin pa yata ako dahil sayo!” Reklamo ko.

“Obviously, you’re fine. Marahil ay first time mong makarinig ng mga sugar-coated words from a man.”

“Hoy ano ka! Nagbabasa din kaya ako ng mga love stories!”

Palusot ko kahit hindi naman talaga. -.-

Wala akong time sa mga lovelife na yan!

“So, NBSB ka pala?” Tanong niya.

“Anong NBSB?” Takang tanong ko.

“Pfft--.”

“T*ngina! Sagutin mo ang tanong ko, hindi yung para kang baliw diyan, tumatawa mag-isa!” Reklamo ko.

“Kumpirmado! NBSB ka nga!” Pang-uurat niya.

“Ewan ko sayo!” Inirapan ko siya saka pumasok na sa kwarto. Nakasunod lang siya sa’kin. Maglapag ka ng futon sa gilid ng kama ko. Pwede ring sa couch ka nalang matulog. Depende sayo kung saan ka kumportable!” Padabog na sabi ko.

Sinunod niya lang ang sinabi ko. Seryoso naman ang mukha niya ngayon.

Humarap ako sa may computer ko. Nung pumasok siya sa banyo ay sinamantala ko ang pagkakataong iyon para mag-search sa google kung ano nga ba ang meaning ng NBSB.

IN ANOTHER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon