CHAPTER 38

1.2K 66 0
                                    

Nakarating kami sa prisinto at kasalukuyang nasa harapan ng selda kung saan nakapasok sa loob ang tatlo.

Nakita kong may mga pasa si Ivory. Marahil ay kagagawan iyon ng dalawa. Mabuti at sinunod nila ang sinabi kong hindi patayin si Ivory.

Nag-request akong gusto ko siyang makausap. Tahimik lang si Ivory na lumapit sa’kin. Nakaupo kaming pareho sa pagitan ng makapal na salamin.

“I came here to visit you. Gusto kang makausap ni Ikeem.” Bungad ko.

“Ingatan mo siya.” Tanging sambit niya kaya naman napatingin ako sa kanya. Yung mga matang ngayon ko lang ulit nakita simula nung makabalik na ang kaluluwa niya sa katawan niya.

“I’m not like you. Matabas lang ang dila ko pero marunong parin naman akong gumawa ng makatao.” Mariing sabi ko.

“I know. At naalala ko na ang lahat.” Sabi niya. Nagulat ako sa tinuran niya.

Hindi kaya----?

“Anong ibig mong sabihin?” Takang tanong ko.

“Hindi ko alam kung bakit pumasok ang mga iyon sa panaginip ko. Nung gabing binugbog ako ng dalawang kasamahan ko sa selda, nakatulog ako sa sakit. Dun ko nakita yung mga panahong magkasama pa tayong dalawa. Ikaw, bilang tao, at ako bilang ligaw na multo. Lahat ng pinagsamahan natin, naalala ko nung gabing iyon.” Naluluhang sabi niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pinaghalong lungkot, galit at tuwa dahil naaalala niya na ako.

“Ivory...” Tanging naiusal ko.

“Siguro kung nagkakilala tayo nung mga bata pa tayong pareho. Ikaw ang kauna-unahang kaibigan ko. Marahil ay hindi hahantong sa ganito ang lahat. Sorry, Lonie. Sorry sa mga nasabi at nagawa ko. Masyado akong nag-palamon sa kapangyarihan ng pera. Hindi ko nakita ang totoong dahilan kung bakit ako nakabalik sa katawan ko.”

Ayoko munang mag-assume. I wanna know kung nagsasabi ba siya ng totoo.

“Naaalala mo pa ba kung saan tayo madalas tumambay every lunch time?” Tanong ko.

“Sa ilalim ng puno. Sa likod ng building. Kung saan natin nasaksihan ang pagkahulog ni Vladimier mula sa itaas ng puno.”

Wala akong ibang pinagsabihan nito. At ang tanging may alam lang nito ay kaming tatlo nila Vlad.

And I know na hindi iyon maiku-kwento ni Vlad.

Tunay ngang may nakita siya sa panaginip niya.

“Sino ba ang panay lapit sa’kin noon tapos paulit-ulit ko lang nirereject?”

“It was Divine. Dahil ayaw mong malaman nila ang sekreto mo at ikamatay nila iyon. ‘Coz that’s who you are, Lonie. Hindi bale nang maghirap ka, wag lang ang iba.” Nakayukong sabi niya. Halatang guilty siya sa mga nagawa niya sa’kin noon.

“Sino ang namatay sa mga kaklase namin?” Tanong kong muli. Kahit alam ko na ang sagot, gusto ko parin siyang tanungin at maalala ang mga masasayang ala-ala nung mga panahong isa pa siyang ligaw na multo.

“It was Matthew. Kinukulit pa nga kita noon na tulungan siya. I can’t believe na sinabi ko din yun kahit ganito pala ang totoong ugali ko.” Sabi niya saka natatawa pa. Napansin ko ang butil ng luha na dumaloy mula sa mga mata niya.

“So talagang naaalala mo na.” Sambit ko. Hindi ko rin namalayan ang pagtulo ng luha ko sa kanang mata.

“I’m really sorry, Lonie. I really do. Ganun din kay Ikeem. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung bata pa ako. Kaya naman ayokong mapalapit siya sa’kin at magaya ang mga masasamang ginagawa ko. Gusto niyang mapansin ko siya. Pero ayokong gumaan ang loob niya sa’kin. Ayokong mahulog ang loob niya sa’kin bilang Ina niya. Gusto kong kasuklaman niya ako ‘coz I don’t deserve to become his mother.” Paliwanag niya.

IN ANOTHER WORLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora