CHAPTER 20

1.2K 66 3
                                    

NEXT DAY...

Kasalukuyan kaming nasa may ilalim ng puno at nakahiga kaming dalawa ni Ivory. Dito din nahulog noon si Vlad mula sa itaas ng puno.

Sinabi ko kasi kay Ivory na may gusto akong sabihin sa kanya.

“So, ano yung gusto mong sabihin sa’kin, sis?” Masiglang tanong niya.

“Bago 'yan. May mga katanungan lang sana ako?”

“Ano iyon, sis?”

“Unlike Maricar Corpuz then yung mga nakita nating multo noon na katulad mo sa loob ng staff room, bakit hindi ka kabilang sa kanila?” Tanong ko.

“Anong ibig mong sabihin, sis?” Takang tanong niya.

“May lead na kasi kami tungkol sa katawan ng mga multong nasa staff room at nakita natin sa Dean’s office. Comatose ang mga ito. At naniniwala akong ganun din ang sitwasyon mo. Dahil pare-pareho ang nakikita ko sa mga katawan niyo. Ang tanong ko, saan ka pumupunta sa tuwing umuuwi ako sa bahay?” Curious na tanong ko.

Kasi kung nagtitipon-tipon ang lahat ng mga multong nakita ko noon sa iisang lugar, ibig sabihin, nandun ang katawan nila.

Is there a possibility na naiiba si Ivory? I mean baka nakatago ang katawan niya sa ibang kwarto? O ibang lugar sa loob ng university?

“Ewan ko sis, basta ang alam ko, maliwanag ang lugar na pinupuntahan ko. Hindi ko nga lang alam kung saan iyon matatagpuan dito sa loob ng university. All I know is that, nandito parin yun sa loob ng school.” Paliwanag niya.

Maliwanag?

Langit ba yun?

Or may pinto papuntang langit?

“Ivory. Let me tell you a good news.” Sabi ko.

“Kinakabahan naman ako sa good news mo, sis? Parang feeling ko magugulantang ang kaluluwa ko. HAHAHA.” Pagbibiro niya.

Ngunit hindi ako tumawa. Pinagmasdan ko lang siya kaya naman napatitig siya sa’kin. Pagkatapos ay bigla siyang sumeryoso.

“You’re still alive.” Balita ko sa kanya.

“Huh?” Napaawang ang bibig niya. Parang feeling ko nga ay nagulantang ang mismong kaluluwa niya.

“Wag ka ngang lag! Sabi ko, buhay ka. Marahil ay comatose din ngayon ang katawan mo. Mamayang gabi, we’re planning to infiltrate the bunker.”

“Thank goodness! I’m alive! We can finally talk like normal friends!” Naluluhang sabi niya.

“Wag kang umiyak diyan! Baka ikaw pa mismo magdala ng ulan.” Walang ganang sabi ko.

Masaya din naman ako para sa kanya.

I’m going to make sure na mamayang gabi, mahahanap din namin siya.

“Nga pala sis, hindi ba’t binabantayan mo si Dadi Vlad? Bakit nandito ka ngayon mag-isa?” Tanong niya.

Sh*t!

“Let’s go, Ivory!” Alarmang sabi ko saka mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga.

“Kasi naman! Masyadong natuwa sa magandang balita! May bubuhayin ka nga mamaya mula sa mahabang pagtulog, napabayaan mo naman yung isa. Tsk! Tsk!” Pangaral niya sa’kin.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now