CHAPTER 25

1.1K 63 2
                                    

***

"Rosette nasan ka?"

"Nandito ako Lonie, halika dito! Tingnan mo oh! Ang ganda ng paru-paro."

----

"Malayo na yata tayo sa park, Rosette. Nasa loob na tayo ng kakahuyan."

"Ayos lang yan! Alam ko pa naman ang daan pabalik sa park. Sundan natin yung paru-paro. Gusto kong malaman ang bahay niya, Lonie. Tapos bibigyan ko sila ng pagkain. Yung buong pamilya nila."

"45 days lang yata nabubuhay ang paru-paro, Rosette."

"Ganun ba yun?"

----

"AAAAAAHHHHH! TUUULLLOOOONGGG!!"

Nanood lang kami ni Rosette habang nilalatigo ang likod ng isang babae. May batang kasama ang lalakeng nagpapahirap sa babae.

"Ano't ang lakas ng loob mo kaninang sigaw-sigawan ang anak ko! Walang sino man ang pwedeng manakit sa anak ko! Hindi ang isang katulad mong langaw lang!" Sigaw nung lalake sabay latigo ulit sa likod ng babae.

"She even told me that I'm a brat, Daddy!" Sumbong ng batang babae.

"Ano pa ang sinabi niya sayo, Ivory?" Tanong ng Daddy niya sa anak nitong si Ivory.

Nagtago kaming dalawa ni Rosette sa likod ng puno habang umiiyak parin ang babaeng pinapahirapan nila.

---

"Halika na, Rosette! Kailangan na nating umalis!"

"Kailangang may makakita sa ginagawa nilang pagpapahirap sa babae, Lonie. Isumbong natin sila!"

"Halika na!"

Ngunit iyon ang pinaka-maling ginawa namin lalo't naapakan namin ang mga tuyong dahon dahilan para makuha namin ang atensyon nila.

Tumakbo kaming dalawa ni Rosette. Nauuna ako sa kanya. Narinig ko pa ang pagsigaw niya dahil napatid siya sa ugat ng malaking puno.

Tumigil muna ako para sana tulungan siyang makatayo. Pero nakita ko ang lalake at ang anak nito na nasa likod na ni Rosette.

Sumigaw si Rosette.

"Tumakbo ka na! Humingi ka ng tulong! Bilisan mo! Wag mo akong intindihin! Maghihintay ako!"

Napapikit ako dahil ayoko siyang iwan. Pero kung ako lang ay baka pareho kaming mapahamak na dalawa. Isa pa, kung hihingi ako ng tulong sa iba, maililigtas ko si Rosette.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumakbo nalang kahit labag sa loob ko ang iwanan siya.

Takbo lang ako ng takbo kahit matataas ang mga damuhang nadadaanan ko. Hinahawi ko lang ito para makadaan ako.

Hanggang sa.... ***

"Aray!" Napasigaw ako sa sakit ng noo ko. Nahulog pala ako sa kama ko.

Anong klaseng panaginip iyon?

May biglang sumagi sa isip ko. Naalala ko yung nakababatang kaibigan kong si Rosette.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now