CHAPTER 14

1.4K 70 3
                                    

Ilang oras na din ang nakalipas magmula nung kumaripas ako ng takbo mula sa pool kanina.

Nakapagbihis na din ako.

Pagdating ko dito sa kusina para sana magluto, nakita ko naman na malinis na ang hapagkainan. Wala na ding hugasan.

---

Kasalukuyan akong naglalapag ng pagkain sa mesa nung makita ko si Vlad na pumasok din sa kusina.

Basang-basa siya ng pawis. Kahit hindi sabihin ng utak ko. Sobrang gandang tingnan ng katawan niya ngayon lalo’t pawisan ito.

-.-

Nagpunas muna siya ng towel saka nag-umpisang maupo sa may hapag-kainan.

“Ayos ka lang?” Tanong ko. Tinutukoy ko ang likod niya kaninang tinamaan ng ladder.

“I’m fine.” He answered.

“O-okay. Tawagin ko lang si Liam.” Wala sa sariling sambit ko. Napatingin siya sa’kin.

Napapikit ako upon realizing kung anong sinabi ko.

“S-sorry. Nakasanayan ko lang.” Depensa ko.

“You should eat too. Sabayan mo ako.” He insisted.

Tumango nalang ako at kumilos ulit ang katawan ko para ipaghanda ng pinggan ang usual na upuan dati ni Liam.

Lumipat si Vlad ng upuan. Nakaupo na siya ngayon sa inuupuan dati ni Liam.

“What are you doing?” Kunot-noong tanong ko.

“Can’t you tell? Kakain.” Sagot niya.

“Upuan yan ni Liam. Balak mo ba siyang palitan?” Iritableng tanong ko.

“No. I told you, I’m just going to eat.” Pagmamatigas niya.

“Pero upuan nga sabi yan ni Liam!”

“Listen, Lonie. I’m not here para palitan si Liam. I’m here to fulfill my promise with Liam. It’s okay not to let go of him now. Pero hayaan mo akong punan ang mga oras, araw at mga sandaling wala siya hanggang sa tuluyan ka nang makabangon.” He calmly said.

Naiintindihan ko ang point niya. Pero sa ngayon, ayoko munang upuan niya ang madalas na pwesto ni Liam. It’s not that easy. -.-

Napabuntong-hininga nalang ako saka nagsimula nang kumain.

“Vlad, gusto ko lang sabihin sayo... maaari mo lang gampanan ang pinangako mo kay Liam kapag nandito ka sa bahay. Pero kapag nasa school tayo, pwede mo ba akong layuan?” Pakiusap ko. Pero hindi siya sumagot. Sa halip ay nag-umpisa na siyang kumain.

I’ll take it as a ‘yes’.

Hindi niya naman ako obligasyon para maging sa school namin ay alagaan niya rin ako.

Nagsimula na din akong kumain. Pareho kaming tahimik ngayon.

-----

Walang imik lang siya hanggang sa matapos kami sa pagkain. Ganun din ako sa kanya. Tumutulong siya sa pagliligpit maging sa paghuhugas pero hindi siya nagsasalita.

Nauna siyang lumabas ng kusina at sumunod naman ako sa kanya.

“By the way, I’ll take Liam’s room for the meantime.” Sabi niya. Pagtango lang ang naging sagot ko.

Dumiretso nga siya sa kwarto ni Liam. Katabi lang naman iyon ng kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay nahiga na muna ako. Wala naman akong ibang gagawin ngayon. Hindi rin ako madalas lumabas ng bahay.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now