CHAPTER 21

1.2K 61 2
                                    

Nawalan pala ako ng malay kanina.

Nandito ako ngayon sa school clinic at nagpapahinga. Kagigising ko lang. Natutulog naman sa katabing kama si Ivory.

Tumingin ako sa labas ng bintana.

Hapon na pala!

Inalala ko ang nangyari kanina.

Sumakit ang right ear ko. Hindi ko na din masyadong naririnig pa ang mga boses na malakas at madalas kong marinig noon sa loob at labas ng building namin.

Ibig sabihin, nawalan ng function ang kanang tenga ko na makarinig ng ingay galing sa mga multo.

Hindi kaya?

Sa bawat naliligtas ng sariling mga kamay ko, katumbas nito ang tuluyang pagkawala ng cursed disease na ito?

Kailangan ko lang magligtas ng tatlo pa para tuluyan na itong mawala sa’kin!

Nakarinig ako ng ingay sa pagbubukas ng pinto ng clinic.

Nakita ko si Vlad. Napansin niya ring gising na ako kaya lumapit siya sa’kin. May dala siyang pagkain.

“You okay?” Tanong niya saka naupo sa gilid ng hinihigaan ko. Tumango lang ako. “Hindi ka pa pala kumakain. Nagdala na ako ng pagkain mo.” Sabi niya ulit. Pagtango lang ang tanging isinasagot ko.

Inalalayan niya akong makaupo. Mahina parin ang katawan ko. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto nito sa’kin kapag unti-unti na itong nawawala.

Kinuha ko sa kamay niya ang pagkaing dala niya saka nag-umpisa na akong kumain.

Tahimik lang siya.

Sabihin ko kaya sa kanya na nawala na ang grim reaper sa likod niya?

Pero baka hindi niya ako isama mamaya?

-.-

Saka na nga lang! Gusto kong ako ang unang makikita ni Ivory sa paggising niya.

---

Nung matapos ako sa pagkain ay nagsalita ulit si Vlad.

“Thanks about earlier. For protecting me. Though I can do that myself. But I appreciate your effort.” He gratefully said.

“Salamat din dahil sa pagpipigil mo sa lalakeng saktan ako.”

“Don’t mention it.” He said. Ngumiti siya na siyang paghaharumentado ulit ng puso ko.

This is bad!

Talagang may ibang nararamdaman na ako sa kanya. -.-

“Sasama parin ako sa’yo mamaya.” Sambit ko.

“Kaya mo na ba? I can do the infiltration kahit ako lang mag-isa.” Sabi niya.

“Please, isama mo ako. Kaya ko na siguro, nakapagpahinga na naman ako.” Pakiusap ko sa kanya.

Nagpakawala siya ng malalim na pagbuntong-hininga. Hindi siya sumagot. Pero iyon na marahil ang sagot niyang pagpayag sa pakiusap ko.

“Ay sis! Nakatulog lang ako, nagdi-date na pala kayo! HAHA!” Pang-aasar ni Ivory.

Napatingin ako sa direksyon niya at literal na nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

O__O

Is it really that possible?

“Vlad, hintayin mo ako dito. Banyo lang ako.” Paalam ko kay Vlad. Sumenyas ako kay Ivory na sumunod din siya sa’kin.

Pagkapasok ko sa loob ng banyo ay agad ko siyang hinawakan sa kamay.

IN ANOTHER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon