CHAPTER 36

1.2K 59 2
                                    

“Daddy!” Takbo ni Loke papunta sa ama niya. Nagpakarga din siya dito saka nilampasan lang ako.

Bakit ganun?

Ako naman ang naghirap sa lahat...

“Baby, don’t you love mommy, anymore?” Tanong ko. Lumapit ako sa kanya habang karga siya ni Vlad.

Loke loves Mommy. But Loke loves Daddy too.” Sabi niya.

“Pero anak...”

“Loke’s happy. Daddy’s alive.” Masiglang sabi ng anak ko.

“Kailangan niya din ng pagmamahal ng isang ama. Hayaan mo naman akong gampanan ko iyon sa kanya bilang ako naman ang ama niya.” Sabat ni Vlad.

“Tsk! Fine! Pero hindi ako pumayag dahil sa rason mo! Pumayag ako dahil sa anak ko.” Mariing sabi ko.

Hindi na siya nagsalita. Nilaro-laro niya lang si Loke. Nakikita ko naman sa mga mata ng bata kung gano siya kasaya ngayon lalo’t nakita niya na at nakilala ang ama niya.

Alam kong hindi na muna siya makakatulog lalo’t kagigising niya palang.

“Vlad, pwede kang pumunta sa bahay to visit Loke.” Sabi ko.

Nung makita ko ang masayang ngiti ng anak ko. Ayokong ipagkait sa kanya yung kaligayahang ipinagkait ng tadhana sa’kin noon dahil sa pagkamatay ng mga magulang ko.

I’ll do anything for my son.

Nagpasya akong bigyan sila ng quality time together. Maglalakad na sana ako palabas nung magsalita si Vlad.

“Where are you going, Lonie?” Tanong niya.

“Sa room ko. Kunin ko nalang mamaya si Loke. Magpapahinga lang ako.” Sabi ko.

“You can sleep here.”

“Si Loke lang ang kailangan mo. Wag kang masyadong close sa’kin. I still don’t trust you.” Walang emosyong sabi ko.

“I’m just saying. Baka isipin mong kinukuha ko sayo ang anak natin.” Sabi niya.

“Magpapahinga lang ako.” Sabi ko. Hindi pinansin ang sinabi niya.

Naglakad na ako palabas ng room 27 at dumiretso na sa room ko.

Mabilis kong sinalampak ang sarili sa kama dahil narin sa pagod. Dinalaw ako ng antok.

Kukunin ko nalang mamaya ang anak ko.

Sa ngayon, matutulog muna ako.

------------

DIVINE POV

Matapos kong ipakita kay Madam ang mga papers from the DNA result and the record sa hospital about the artificial insemination, nakita ko ang tuwa sa mga mata niya.

“All this time, I’ve been taking good care of my daughter-in-law tsaka ang apo ko.” Galak na sabi niya.

Daughter-in-law?

“Ah, hindi pa po tayo sigurado kay Lonie.” Nababahalang sabi ko.

Knowing Lonie...

Kung nakaya niya kaming itulak noon palayo sa kanya, mas lalong kaya niya rin itong gawin ngayon pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay niya.

“I’ll make sure they’ll end up together.” Seryosong sabi ni Madam.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now