CHAPTER 15

1.3K 63 0
                                    

MONDAY...

Magkasabay kami ni Vlad na pumasok sa school. Nakita ko ang masasama at naiinggit na tingin sa’kin ng mga estudyante. Kahit anong usap-usapan ang sabihin nila sa’kin ay nawalan na din ako ng pakialam.

Hindi ko na kasalanan kung bakit dumidikit parin sa’kin si Vlad kahit ilang beses ko na siyang pinagtabuyan. -.-

Nakarating kami sa classroom. Nanlulumo parin ang mukha nila Briannah at Divine. Napasulyap ako kela Geneva at Marie. Nakangisi ang mga ito.

Kung may kumalat man na balita tungkol sa naging kundisyon ko. O may magsabing baliw ako. Kilala ko na kung sino ang may kagagawan ng mga iyon.

Dumiretso na ako sa kinauupuan ko. Suot ang parka ay magsisimula na sana ulit akong matulog. Narinig ko naman ang boses ng isang babae at hinahanap ako.

“Who’s Lonie Kaoribelle Del Vega?” Tanong nito kaya napatingin ako.

“Tawag ka sis!” Bungad sa’kin ni Ivory na hindi ko namalayan kung kailan pa dumating.

Hindi ako nagsalita. Tumayo lang ako saka naglakad sa babaeng tumawag sa’kin.

Siya rin yung J.O na nag-titimpla ng tea para sa mga faculty staffs.

“Bakit po?” Walang emosyong tanong ko.

“Proceed to the office now. Gusto kang makausap ng Dean.” Sabi niya.

“Sama ako Sis!” Prisinta ni Ivory.

As if naman makikita siya ng iba. -.-

Tumango lang ako saka sumunod sa likod niya nung mag-umpisa na siyang maglakad.

Habang binabaybay ang hallway papuntang Dean’s office, nakakarinig naman ako ng usap-usapan tungkol sa’kin.

“Pansin ko lang sis... bakit parang mas dumami ang mga Aleng Marites natin?” Tanong ni Ivory pero hindi ko siya sinagot.

Naririnig ko nga ang tawanan nila sa’kin dahil sa baliw daw ako. Kaya pala ganito at ganyan dahil baliw daw ako.

Hindi ko nalang sila pinansin. Para bang nawala na ang takot nila sa’kin dahil lang sa nabalitaan ng mga ito tungkol sa’kin.

---

Pagkabukas namin ng pinto sa may Dean’s office. Literal na nanlaki ang mga mata ko nung makita ang napakaraming kaluluwa at mga katulad ni Ivory sa loob ng office.

May mga nakaupo sa sofa. May nakasiksik ang sarili sa gilid at umiiyak. Sobrang dami at puro kababaihan ang nandito.

What the f*ck is the meaning of this?

“Sis...” Rinig kong boses ni Ivory na para bang nagulat din sa nakita.

Pinaupo na ako ng J.O sa harapang upuan ng Dean’s table. Busy pa itong basahin ang papel na hawak niya.

“Good morning, Sir. Nandito na po si Ms. Del Vega.” Aniya nito sa Dean.

“Serve us some tea, please.” Sabi niya nang hindi nakatingin sa’min.

“Yes, Sir.” Sabi niya saka naglakad na palabas.

“Ano pong kailangan niyo sa’kin?” Direktang tanong ko.

Like kung iinom lang kami ng tea ay aalis nalang din ako. -.-

Nasa tabi ko parin si Ivory. Kinakausap niya ang ibang mga multong kasamahan niya pero hindi siya sinasagot ng mga ito.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now