CHAPTER 26

1.1K 63 7
                                    

Maging dito sa canteen ay usap-usapan ang pagiging magkasintahan ng dalawa.

Maraming fans ni Vlad ang nananahimik ngayon. Hindi na ako magtataka kung pinagbantaan silang lahat ni Ivory. Sa sobrang obsession niya kay Vlad, marahil ay alam na ng lahat na mag-fiancee sila.

Alam ko ding narinig na ni Ivory ang ilang araw na pagsasama namin ni Vlad sa bahay. Lalo’t kumalat din iyon dito sa university. Nakapagtataka lang kung bakit hanggang ngayon ay wala parin siyang ginagawang hakbang na maaaring magbigay sa’kin ng paghihirap at pasakit.

Magkaharap silang kumakain ngayon sa canteen. Sinusubuan niya si Vlad. Sinasadya na ring ipakita sa’kin ang sweetness nila. Sa klase ng ginagawa niya ngayon, kumpirmadong alam niya ang naging pagtira ni Vladimier sa bahay.

Tsk!

Naninikip man ang dibdib ko sa nakikita. Nangingibabaw naman ang galit at kagustuhan kong hanapin ang babaeng nakakita sa pagkamatay ni Rosette.

Ngayon lang ako kumain dito sa canteen lalo’t normal na din ang mga nakikita ko. Wala na akong naririnig o nakikitang multo sa paligid. Nag-umpisa na din akong makinig sa klase namin.

Kumain nalang ako.

Hangga’t wala silang ginagawa sa’kin ay hindi ako lalapit sa kanila. Ngunit, patuloy ko paring hahanapin ang hustisyang nararapat para kay Rosette.

I can’t believe na nagawa ko pang tulungan ang taong nagpapatay kay Rosette. Base sa kwento ni Vlad noon. Namatay daw ang anak ni Miss Rosalie. Yung school nurse namin. At ang anak niyang iyon ay si Rosette.

------

SOMEONE’S POV

A FEW DAYS LATER...

“Madame.. May kailangan daw po kayo sa’kin? Nga po pala, madame. Here’s the documents of her profile.” My personal bodyguard said. Tinanggap ko ang folder na hawak niya. Binuksan ko iyon at binasa ang pangalan niya.

Lonie Kaoribelle Del Vega, huh? lost her parents at the age of 12. Living alone and using her parent’s bank account for her financial needs. Bullied by her classmates and schoolmates due to some reason.

I like this kid! I want this little lamb!

“I found a new heir that can kick out my adopted spoiled brat son.”

That little girl...

She’s strong but I can see her loneliness.

Despite of her anger and sorrow, she’s still helping people without asking something in return.

It’s been a few days pero wala parin akong natatanggap na tawag mula sa kanya. Kung iba iyon, at nalamang mayaman ako, they will take advantage of my wealthy. But that little girl is different. Nakasulat sa card ko mismo ang Empire na pagmamay-ari ko. Halatang pang-mayaman ang card na iyon.

So why would that kid ignores me?

There’s only one reason...

She doesn’t care about someone’s status.

“I want you to monitor her. Protect her at all cost.”

“Yes, Madame!” Sabi nito saka mabilis na umalis.

=========

LONIE POV

Sabado ngayon at nandito ako sa supermarket namimili ng groceries. Tapos na akong mamili kanina. Ngayon ay pumipila nalang ako para magbayad.

IN ANOTHER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon