CHAPTER 30

1.2K 69 13
                                    

“Let’s talk somewhere else, Lonie.” Pagyaya niya sa’kin.

Pagtingin ko sa batang tinulungan ko kanina, karga na siya ng Daddy niya at nakatalikod ito sa’kin.

I’m glad nagkita na din sila.

Humarap akong muli kay Divine saka ko siya kinausap.

“Ano nga palang ginagawa mo dito?” Tanong ko. Pero nagsimula na kaming maglakad lalo’t nakapulupot ang kamay niya sa kanang braso ko. Marahan niya akong hinihila.

Nakarating kami sa labas kung nasaan ang  outdoor foodchain. Naupo ako sa pinakagilid kung saan natatanaw ko ng mabuti ang dagat. Si Divine naman ay umorder muna ng snacks namin.

Hindi ko alam kung nasaan ang anak ko at si Mommy Violeta. Marahil ay pumasok na sa hotel kung nasaan ang kwarto namin.

“Lonie, baka naman pwede kang mag-kwento! Ibang-iba na ang awra mo ngayon, Lonie! Mas lalo kang naging maldita at palaban tingnan. Pero mas lalo kang sumexy at gumanda!” Sunod-sunod na puri niya sa’kin. Di ko namalayan ang pagdating niya lalo’t abala ako sa pagmamasid sa paligid.

May dala din siyang dalawang set ng snacks namin. Nilapag niya ito sa table namin.

“Sabihin nalang natin na bigla akong sinuwerte. After all the kamalasan na nangyari sa buhay ko. Napalitan naman ito ng magagandang gantimpala. Lalo na ngayon.” Napangiti ako nung maalala si Loke.

Hindi na din siya nangulit na magtanong pa patungkol sa nangyari sa’kin lalo’t nababasa niya sigurong ayoko din iyong pag-usapan.

Hindi rin naman interesting yung nangyari sa’kin. Bigla lang talaga akong sinuwerte.

“Oh my gosh! Mukhang may bago ka ng inspirasyon ngayon ah? Mabuti yan, Lonie. Ang swerte naman ng lalakeng iyon.” Nakangiting sabi niya.

Siguro ang akala niya ay may partner na ako.

Hindi ko nalang pinansin masyado ang sinabi niya. Nagsimula akong kumain. Malalaman niya rin naman na may anak na ako. Wala nga lang asawa. Dahil iyon ang mas pinili ko.

“Nga pala, ikaw lang mag-isa? Nasaan na ang mga kaibigan mo?” Tanong ko.

“Kaibigan natin, Lonie.” Pagtatama niya sa sinabi ko.

Well, it doesn’t matter.

“Nasaan na sila?” Tanong kong muli.

“May kanya-kanyang trabaho na. Si Bree, ayun, hawak na ang kumpanya nila. Si Marie naman, sumama sa Ate niya sa states. Nag-migrate na sila dun dahil nakapag-asawa ang ate niya ng mayamang foreigner. Binilin niya din sa’kin na kapag bumalik ka na daw, ipaalam ko kaagad sa kanya. Pupunta daw siya dito para magbakasyon. Haha. Mukhang maayos na ang pakikitungo ni Marie sa’yo, Lonie. Salamat sa pagligtas sa Ate niya. Si Nathan, naging photographer. Kung saan-saan pumupunta. Marahil ay para magkaroon din ng idea o impormasyon kung nasaan ka.” Paliwanag niya.

Naalala ko naman si John.

Feeling ko kasi may gusto si John kay Divine eh’

“Si John?” Tanong ko.

N-nobyo ko na.” Utal na sabi niya. Namula din ang mukha niya.

Magaling pala si John. -.-

Sa wakas ay naging pag-aari niya din ang crush niya.

“I see.” Tanging sambit ko.

“Nga pala... hindi ko alam kung magandang balita ito sayo pero, nahuli na sila Miss Karlene at Miss Rosalie. Naaalala mo pa ba? Yung J.O. at yung school nurse natin noon na nagtago sa labing-isang babae?”

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now