CHAPTER 12

1.4K 80 18
                                    

Hindi pala nila alam na may kapatid ako...

“Kapatid ko. Si Liam.” Pakilala ko sa nakaupong kapatid ko.

“T-that’s not what I mean, Lonie.” Utal na sambit ni Divine. Nakikita ko naman sa mga mata nila ang takot at pagkabigla.

Ano bang sinasabi nila?

“Ate...” Nanlulumong tawag sa’kin ni Liam. Malungkot ang mga mata niya.

This is my fault! For trusting people again!

“Sorry Liam, sorry talaga...” Sunod-sunod na paghingi ko ng tawad sa kanya.

Umiling lang si Liam saka napansin ko ang butil ng luha sa gilid ng mga mata niya.

T_T

Why is Liam crying?

“This is bullsh*t! Sino ba ang kausap mo? Jinojoke time mo ba kami?” Tanong ni Marie.

Huh?

“Ano bang sinasabi niyo? Di niyo ba nakikita ang kapatid ko?” Asik na tanong ko.

“Anong kapatid? Wala kaming ibang nakikita kundi ang bakanteng upuan at malinis na plato sa ibabaw ng mesa.”

“Stop it, guys!” Naiiyak na sambit ni Divine. Nagpahid na siya ng luha saka tumayo. “Sorry, Lonie. I’m really very sorry.” Paghingi niya ng tawad habang umiiyak.

Napatingin kaming lahat sa may entrada ng kusina nung may baritonong boses ang tumawag sa pangalan ko.

“Lonie...” He said. Nagsalubong ang dalawang kilay niya nung makita ang ibang kaklase namin. Pagkatapos ay galit na nagbanta. “Get out! All of you! Try to disseminate what you’ve learned tonight. I’ll become a big trouble to you and to your whole family. Try me! I will not stop until I become satisfied. I'll include even your next generation. Now, get out!” Mariing banta niya. Nagdidilim na din ang mga mata niya. Halatang gagawin niya nga ang pagbabanta niya.

Nakaramdam din ako ng takot sa klase ng boses niya. Para bang hindi siya yung Vlad na nakilala ko. Para bang ibang tao siya ngayon.

Taranta namang nagsitayuan silang lahat. Humarap muna sa’kin si Divine then bow down her head.

“I’m really very sorry, Lonie.” She said saka lumabas na ng kusina.

Sinundan muna sila ni Vlad. Hindi ko alam kung may sasabihin pa ba siya o gusto niya lang masigurado na nakalabas na nga ang mga ito.

Nakita kong nakayuko parin si Liam.

“Sorry, Liam.” Tanging sambit ko saka ko siya niyakap. Umiiyak na kasi siya ngayon. Hinahagod ko ang likod niya.

“Maybe it’s about time to say goodbye, ate.” Naluluhang sambit niya saka kumalas na ako sa yakapan naming dalawa. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya pero nakaramdam ako ng pananakit sa dibdib.

“Huh? Anong sinasabi mo, Liam?” Nagtatakang tanong ko pero namumuo na rin ang luha sa mga mata ko.

Naiintindihan na ng utak ko pero ayaw tanggapin ng buong sistema ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

“Naaalala mo pa ba? Bago ka nagkaroon ng abilidad na makakita ng mga multo?” Tumango lang ako sa tanong niya.

Sumakit ang mga tenga at mata ko nung araw na yun at pagkatapos ay nakarinig ako ng batang umiiyak sa labas ng gate namin. Yun ang kauna-unahang nakita at narinig ko simula nung nagkaroon ako ng ganitong abilidad.

IN ANOTHER WORLDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt