CHAPTER 39

1.2K 57 3
                                    

Nandito na kami ngayon sa family park. Pagkatapos mag-usap nila Vlad at Ivory kasama ang dalawang bata, nakita ko na para bang umaliwalas ang mga mukha nila.

Hindi na ako nagtanong kung anu man ang pinag-usapan nila dahil alam kong nabigyan na din ng closure ang lahat.

Nakaupo kaming pareho ni Vlad sa isang bench habang ang dalawa’y naglalaro sa playground. Nakadistansya nga lang ako kay Vlad.

Napansin ko ang isang babaeng nagsobra sa iksi ang mga suot na damit na halos makita na ang malaking dibdib nito. Maganda din ang katawan at liberated din kung manuot ng damit. Lumapit siya kay Vlad.

“Kuyang pogi, mag-isa ka lang yata?” Sabi niya.

Family park ‘to! Ano’t may mga haliparot na nagkakalat dito?

“I’m with my sons.” Sagot ni Vlad at nakatingin sa dalawang babae.

“Wala ba silang Mommy? I can do something about it! Napaka-sira ulo naman ng Ina nila at iniwan lang sila under your care.” Sabi nung isa saka naupo sa tabi ni Vladimier.

Sira-ulo? Ako?

“Pfft---.” Narinig ko ang pigil na tawa ni Vlad.

“Ehem!” Tikhim ko. Napansin niya ako kaya siya napasulyap sa’kin.

“Sorry, naghahanap ka din ba ng single Dad? Nauna ako sa kanya kaya akin na siya ha? Maghanap ka nalang ng iba.” Sabi niya sa’kin.

Nairita naman ako sa klase ng pagkakasabi niya nun.

Tumayo ako at pumunta sa harapan ni Vlad. Kinuha ko ang kamay niya saka hinablot siya papunta sa likod ko.

“He’s the father of my son. I can’t let you have him.” Sabi niya pero nakita ko ang pag-ngisi niya. Animo’y may nadiskubre.

“A father of your son? Hindi ba’t normal na sabihin mo ang salitang ‘He’s my husband’ instead of saying na ‘He’s the father of my son’, meaning to say, ang tanging rason kung bakit kayo magkasama ngayon ay dahil sa responsibilidad niya sa anak niya pero wala kayong commitment? Kung ganun ay may chance ako na maging asawa niya at ikaw ang kabet?” Mapang-urat na tanong niya.

Mukhang matalino ang haliparot na ito. -.-

Nagpipigil parin ng tawa si Vladimier sa likod ko. Para bang nag-eenjoy pa siya sa nangyayari.

“Ah so! Edi magsama kayo kung gusto niyo!”

“Talaga? Hindi ka magagalit? Haha.” Natutuwang sabi ng babae sabay tumayo.

Akmang hahawakan niya na si Vlad pero bigla ko siyang tinulak.

I can’t...

“I’m just kidding.” Walang emosyong sabi ko.

I can’t give him to you.

Dahil sa sinabi sa’kin ni Ivory. I’ll reconsider giving him another chance. I’m willing to take another risk again.

“Akala ko ba! You two are not in good terms.” Takang sabi niya.

“He’s mine.” I said saka humarap kay Vlad and kissed him.

Nagulat pa siya. Kumpara nung hinalikan ko siya sa prisinto mas tumitibok ng malakas ngayon ang puso ko.

Nagtipon-tipon din sa mukha ko ang init na nanggaling sa buong katawan ko.

Pagkatapos ko siyang halikan sa labi ay humarap ako sa babae.

“Not in good terms, huh?” I said with sarcasm.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now