SPECIAL CHAPTER

2.1K 90 15
                                    

LONIE POV

Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday, I—keem!” Sabay-sabay na kantahan namin para batiin si Ikeem.

Lahat kami ay may regalo sa kanya. Natutuwa naman ako dahil tinanggap niya ang mga regalo namin ng may ngiti sa  mga labi niya.

Alam kong malungkot siya dahil wala ngayon ang Mommy niya. Pero naniniwala din akong ginagamit niyang dahilan iyon para galingan ang pag-aaral in order to be honestly acknowledged by her mom.

“Thank you very much, Uncle and Aunt, Tito’s and Tita’s, Daddy and my brother Luke.” Pasasalamat niya sa’ming lahat.

“You’re welcome Ikeem. Blow your candle already and make a wish.” Divine said.

Pumikit si Ikeem na batid ko ay nagwish saka hinipan ang candle ng cake niya. Nagpalakpakan naman kaming lahat na nandun.

Karga ngayon ni Vlad si Loke. Katabi ko naman si Vlad.

“Son, I have another surprise for you.” Sabi ni Vlad kay Ikeem. Natuwa naman ang bata sa sinabi ni Vlad.

“What is it, Daddy?” Tanong ni Ikeem.

Biglang bumukas ang pintuan ng mansion nila Vlad. Tumambad sa’min ang anyo ni Ivory at dalawang escort niya na batid ko ay mga pulis ngunit nakasuot ng formal ngayon dahil sa birthday ni Ikeem.

“Happy Birthday, son.” Bati ni Ivory. Natigilan kaming lahat.

“Pinalaya mo ba si Ivory ngayong araw para maka-attend sa birthday ni Ikeem?” Tanong ko..

“Yeah. Even if he’s not telling me anything, alam kong hinahanap niya ang mommy niya sa tuwing birthday niya. But rest assured, may mga pulis and bodyguards naman akong nakabantay sa kanya. She’s still under surveillance.” Paliwanag ni Vlad.

Hindi naman ako nababahala sa pagkalaya niya kahit ngayong araw lang. Alam kong nagbago na si Ivory. Sulsol ng Daddy niya lang ang naging trigger para makagawa siya ng masama.

About me and Vlad naman, we’re in a relationship na. May label na din kami. He’s my officially boyfriend now. Walang araw na hindi siya nag-effort sa panliligaw. Natutuwa naman ako dahil masayang-masaya ang anak ko sa tuwing nakikita niya ang Daddy niya sa mansion namin.

Mommyyy!” Masiglang sigaw ni Ikeem saka tumakbo para salubungin si Ivory.

Agad namang niyakap ni Ivory si Ikeem.

“I’m sorry, son. For causing you so much pain. Ayoko lang ituring mo akong ina habang gumagawa ako ng hindi kaaya-aya. I’m not a mother to be proud of.” Paghingi niya ng tawad sa anak.

“Forget it Mommy. Kapag nakalaya ka na, let’s start a new life without hatred.” Nakangiting sabi ni Ikeem.

Napangiti naman ako dahil kahit papano nakikita ko ang saya ng mga mata nilang dalawa.

“I’m so happy for them.” Tanging naiusal ko.

“Yeah.”

But you are more amazing, Vladimier!

You did all this para kay Ikeem na tinuring mo na din bilang totoong anak mo.

Gano pa kaya kabongga ang gagawin mo sa birthday ni Loke?

You’re a great man, Vlad. At iyon ang isa sa mga bagay na meron ka at nagustuhan ko sayo bilang ikaw.

Napakadali mong tumulong ng ibang tao. Kilala mo man o hindi.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now