CHAPTER 24

1.1K 60 1
                                    

LONIE POV

Nagising ako at napansin ang sobrang pamilyar na kwarto nung pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito.

What happened to me?

Grrrrrrrrrkkk!

Pagkalam ng sikmura ko.

Bakit parang gutom na gutom ako?

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at tumambad sa’kin ang hindi ko inaasahang anyo ng isang tao.

Am I expecting for someone?

“Mabuti naman at gising ka na.” Sambit nito habang dala ang isang tray na punong-puno ng pagkain.

“Anong nangyari sa’kin? Tsaka anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi lang ako ang nandito. Araw-araw din kaming pumupunta dito para bisitahin ka. Nagsasalitan lang kami kung sino ang aabsent para bantayan ka. Nasa baba naman sila Divine at Briannah, ganun din sila John at Marie kasama ang kapatid nitong si Maricar.” Sagot niya.

Maricar? Corpuz?

Salitan? Araw-araw?

Anong ibig niyang sabihin?

Naalala ko naman ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Biglang nagbago ang timpla ko.

“Anong ginagawa niyong lahat dito? Sinong nagdala sa’kin dito?”

“Ako ang nagdala sa’yo dito. Nandito kami para bantayan ka at para malaman kung kelan ka magigising.” Paliwanag ni Nathan sa’kin.

So hindi pala panaginip ang nangyari? Tsk!

Vladimier and Ivory! This pain will never be forgotten!

“Ilang araw na ba akong tulog?” Wala sa sariling tanong ko.

Magpipitong-araw ngayon.” Sagot niya.

Antagal ko na palang nagpapahinga! Hindi yata kinaya ng katawan ko ang sobrang sakit!

Emotionally, Mentally and Physically.

“Pwede na kayong umalis.” Walang emosyong sabi ko.

“Kumain ka muna. Alam kong gutom ka. Isa pa, hindi mo kami kailangang paalisin. Nandito kami to help you fully recover.” He said.

“Hindi ko kailangan ng tulong niyo. Gayunpaman, gusto ko lang sabihin na salamat sa pagbabantay at pag-aalaga niyo sa’kin habang tulog ako.” I said emotionless.

“I don’t accept a half-baked gratitude. Saka mo na sabihin yan kapag taos-puso na ang pasasalamat mo. You can’t even give us a smile.”

“Wag kang patawa, Nathan. After what happened to me, sa tingin mo ba matututunan ko paring ngumiti?” Kunot-noong tanong ko.

“Happiness is a choice, Lonie. Hindi ko sinabing magpasalamat ka ngayon. Hindi ko rin sinabing ngumiti ka ngayon. Ang gusto ko lang, sana matuto kang bumangon. Marami pa rin naman ang tatanggap sayo, lalo pa ngayon na wala na ang cursed disease mo.” Pangaral niya sa’kin.

Tsk!

Hindi na ako nagsalita pa. Wala ako sa mood makipag-debate. Ganun din siya. Tinulungan niya akong makaupo mula sa pagkakahiga saka niya nilapag ang pagkain sa ibabaw ng bed table.

Admittedly, ang sarap ng amoy ng pagkain.

Nag-umpisa na akong sumubo.

“Sinong nagluto?” Tanong ko.

IN ANOTHER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon