CHAPTER 07

1.7K 63 2
                                    

“Siguro ikaw ang nag-utos sa mga lalake na patayin si Matthew!” Banta niya sa’kin. Nagsitahimik naman ang lahat sa loob ng classroom. Walang ni-isa ang sumasali at nakikialam. Wala ring pumipigil kay Marie habang pinagbabantaan niya ako.

“Ay ang kapal ng mukha ni Aleng Marites manisi!” Maarteng sabi ni Ivory. Pagkatapos ay pumwesto siya sa tabi ni Marie.

Ano na naman kayang binabalak ng multong ito?

Hindi ako sumagot kay Marie. Nakahalumbaba ko lang siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa na para bang nang-aasar.

“Ako ba hinahamon mo?” Tanong ni Marie sa’kin.

Ikaw nga ‘tong naghahamon. -.-

“Pwede ko ba ‘tong sakmalin? Haha. Nakakagigil eh!”

Umiling ako. Buti at naintindihan iyon ng multong si Ivory.

“Wala ka bang ibang sasabihin? Kung tapos ka na, pwede ka nang umalis dahil matutulog pa ako.” Mahinahong sabi ko. Wala din akong emosyon na pinakita sa kanya.

“B^tch! How dare you do that to Matthew?” Akmang hahawakan niya na ako nung tinulak ko siya.

“Say whatever you wanted to say. But don’t you dare touch me, or else----” Putol niya sa sasabihin ko.

“Or else what? Papatayin mo rin ako?” Tanong niya.

Mukhang ako naman ang bagong target niya ngayon.

Ano nga kaya ang motibo niya?

“Marie, right?” Rinig kong tanong ng baritonong boses sa likod ni Marie.

It’s Vlad again!

“Adam?” Gulat na sambit ni Marie saka napaharap kay Vlad.

“Buti nalang nandito si Dadi Vlad! To the rescue!” Kumikembot pang sabi ni Ivory. Halatang tuwang-tuwa siya.

Para talagang timang ‘tong multo na’to! Haha.

“What’s your motive?” Tanong nito kay Marie.

“What do you mean?” Kunwaring tanong naman ni Marie kay Vlad.

Feeling innocent!

Vlad smirked saka bumulong kay Marie. I can see the horror of Marie’s face. Para bang may sinabing tumpak si Vlad sa kanya kaya bigla siyang namutla at natakot.

Dahan-dahan siyang umatras saka bumalik sa upuan niya nang tahimik.

“I don’t owe you a thing. Hindi ko sinabing makialam ka.” Agarang sabi ko nung tingnan ako ni Vlad.

“I didn’t say anything. Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang ba?”

“I’m perfectly fine. Now, if you’ll excuse me.” Sabi ko saka nagyuko ulit ng ulo para matulog.

Narinig ko pa ang pang-aasar sa’kin ni Ivory.

“Wala man lang pasalamat, sis? Naku! Kung hindi dahil sa kanya, tiyak akong hindi ka rin tatantanan ni Aleng Marites!”

Aaagghhh! Ano bang meron sa multong ‘to? Bakit ang ingay at ang kulit?

Nag-angat ulit ako ng ulo saka humarap kay Vlad. Nasa gilid ko pa pala siya at kasalukuyang nakatayo habang pinagmamasdan ako.

“By the way, thanks.” Tanging sabi ko saka binalik ulit ang pagtungo sa desk ko.

Narinig ko naman ang footsteps niya. Marahil ay umalis na siya at bumalik na sa kinauupuan niya.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now