CHAPTER 16

1.3K 63 1
                                    

AFTER CLASS...

“Sigurado ka na ba Sis?” Tanong sa’kin ni Ivory. Napagpasyahan kong makipagkita mamaya kay Nathan.

Lumapit sa’kin si Vlad.

“Let’s go.” Pagyaya niya sa’kin. Napasulyap ako kay Nathan na lumabas na ng classroom.

“Mauna kana.” Sabi ko sa kanya.

“Sa tingin ko Sis, mas maganda kapag kasama mo si Vlad. If I were you, kung meron man akong dapat pagkatiwalaan, si Vlad iyon.” Suhestiyon niya.

“Why?” Takang tanong ni Vlad.

Wala din naman akong tiwala kay Nathan.

Though kahit papano, may kaunting tiwala ako kay Vlad.

“Nevermind. May dadaanan pa ako.” Sabi ko.

“I’ll accompany you.” Prisinta ni Vlad. Hindi na ako nagreklamo. Tama din kasi si Ivory.

Naglakad na kami palabas.

Bukas mismo ay kakausapin ko ang school nurse namin.

-----

Nakasalubong pa namin ang J.O.

“Gusto kang makausap ni Sir. Pumunta ka daw sa office niya before 6:30. May nakalimutan daw siyang sabihin sayo.” Sabi niya. Pagtango lang ang naging sagot ko.

Umalis na din siya at sa tingin ko ay bumalik sa faculty office.

Nagsimula ulit kaming maglakad palabas ng building.

---

“Pano ba yan sis, hanggang dito lang ako sa gate. Mag-iingat kayong dalawa ni Vlad.” Sabi niya. Tumango lang ako.

Dumiretso kami ni Vlad sa labas. Dito kami sa likod na gate dumaan. Kung saan malapit pinatay si Matthew. May lawa malapit dito sa likod.

Mabilis ko namang nakita ang likod ni Nathan. Naghihintay nga siya sa isang puno kung saan pinatay si Matthew.

“Let’s go.” Sabi ko kay Vlad. Tumango lang siya.

Nung makalapit ay agad kong tinawag ang pangalan niya.

“Nathan.”

Napalingon siya. Kunot-noo niyang tiningnan si Vlad.

“Ang sabi ko, tayong dalawa lang.” Sabi niya.

“You have a problem?” Salubong na kilay na tanong ni Vlad.

“Kung gusto niyong mag-away, wag ngayon. Isa pa, wala akong nakikitang mali sa pagsama ni Vlad. Don’t expect me to trust you right away dahil lang kaklase kita.” Walang emosyong sabi ko kay Nathan.

“Patungkol ito sa sekreto mo.”

Nakuha niya ang atensyon ko.

“What do you mean?” Tanong ko.

“Nakahanda ka ba talagang marinig niya ang tinatago mo?” Tanong niya sa’kin.

Isang sekreto lang ang meron ako.

Pero pano niya nalaman ang tungkol dun?

Siguro narinig niya din sa mga tsismis.

“It’s fine. Alam na din niya ang tungkol dito.” Sabi ko. “So, anong gusto mong sabihin tungkol dun?” Tanong ko.

Naupo muna siya sa malapit na bench.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now