1

934 61 22
                                    

#Marasigan

Jack POV:

"Marasigan!"

"Sir?!"

"Telepono para sayo!"

Bumuga ako ng hangin,sabay lapag ng papeles na binabasa ko sa mesa.

Nakapasok ang mga kamay ko sa bulsa ng suot kong itim na leather jacket saka nagtungo sa information desk.

"Po2 Marasigan,"sagot ko.

"Anak!"

Kumunot ang aking noo.

"Pa?napatawag kayo?bakit?"

"Naglayas ang kapatid mo!"

Teng ene!sabi ko na nga ba!

"Hanapin mo Jack!napapahiya ako kay Kapitan dahil sa kanya!"

"Kapitan?anong kinalaman ni Kapitan dito?"

"Basta!hanapin mo ang kapatid mo!wala ng ginawa yun kundi magdala ng sakit ng ulo sa pamilya natin!"

Inilayo ko ang awditibo ng telepono sa tenga,naririndi ako sa kakasigaw ni Papa.

Binaba ko ang telepono at iiling-iling na bumalik sa mesa.

"Badtrip Jack?sino ba yun boyfriend mo?"
Sabat ni Po3 Gomez.

Isa din tong usyosero sa buhay ko e!basted na nga!epal pa rin ang tengene!

"Jack!tawag ka ni Sir!"

Sinamaan ko ng tingin si Po3 Gomez bago nagtungo sa opisina ng Boss namin.

Nagsalute ako matapos kong buksan at pumasok ng pinto.

"Marasigan,take a seat."

Bahagya akong yumuko para magbigay galang.

Inilapag ni Sir Ocampo ang isang maliit na papel sa mesa.

"Ano 'to Sir?"

"New assignment Marasigan. Puntahan mo ang address na yan mamayang gabi.Makikilala mo ang kliyente mo doon."

Kumunot ang aking noo, saka sinipat ang address na nasa kamay.

Hindi ako matanong na tao,kaya tumayo na ako agad,nag salute at lumabas ng opisina.

Bumalik ako sa aking mesa saka namang pagtunog ng cellphone ko.

"Tiyang?bakit?"

"Nandito ang kapatid mo sa pinagtatrabahuan ko,hay naku Jack!sunduin mo na'to dito. Kinakabahan ako baka matunton siya ng Papa niyo dito!naku mabugbog pa'to!"

Napahawak ako sa batok at mariing napapikit.

"Sige Tiyang,pupunta ako jan."

Pinatay ko ang phone at nagligpit ng gamit ko.

"Marasigan!san ka punta?"si Po3 Gomez.

Blangko akong tumingin sa kanya sabay sukbit ng packbag ko sa kanang balikat ko at tuloy tuloy ng lumabas ng station.

Wala basted ka Gomez!
Mahina!
Huwag na si Marasigan!di ka papasa jan!

Mga tukso iyon ng mga kasamahan naming pulis kay Gomez.

Iiling-iling akong sumakay ng ducati kong motor at binaybay na ang daan patungong Batac.Pupunta ako kay Tiyang para sunduin ang naglayas kong kapatid.Langya naman!

Nakarating ako sa mansyon na pinagtatrabahuan ni Tiyang.

Pinarada ko ang motor ko, naghubad ng helmet at lumapit sa on-duty na guard.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon