27

346 48 12
                                    

#DrunkInLove

Simon 

Pagkatapos ng flying kiss ay hindi na nabura ang ngiti sa labi ko hanggang sa makarating ako sa labas ng gate.

 Yun nga lang........

"Oi Ikaw?boypren ka ba ng boss namin?!"Maangas na tanong sa akin ng may katabaang lasing na nakaharang sa aking daraanan. 

Napalunok ako at hindi maiwasang makaramdam ng kaba. Paano ba naman kasi at sunod-sunod ng tumayo mula sa kinauupuan ang mga kasama nitong nakainom na rin. Kalbo ang matabang lalaking bumara sa akin samantalang mahahaba ang buhok at malalaki naman ang katawan ng mga kasamahan nito. Matangkad ako, hindi naman masyadong payat pero alam kong kaya nilang baliin ang tendons ko anumang oras. 

"Hoy tisoy! tinatanong ka ng kakusa namin!sumagot ka ng maayos!" 

Napalunok ako. 

"Ye-yeah?" nauutal ko pang sagot. 

"Anong yeah?yah yah yah yah yah yah?" 

Bigla nalang silang nagtawanan na parang nakakaloko. 

Umigting ang panga ko, I felt a flash of irritation. 

I flinched when the bald guy put his right arm across my shoulder. 

"Alam mo kasi dito sa lugar namin,lahat ng mga dayo dito, pinapainom namin!lalo na ikaw!aba'y pinopormahan mo ang bosing namin dito Tisoy!kaya babalatan ka muna namin!" The bald guy grinned.Fill in the blanks ang teeth niya at amoy sigarilyo ang hininga niya. 

"Babalatan?we-wait!are you gonna skin me alive?!!" I nervously asked. 

Nagtawanan na naman sila ulit. 

Pumuwesto ang kalbong lalaki sa aking likuran.

He placed his hands on top of my shoulder para paupuin ako sa mahabang upuang gawa sa kahoy, he remain standing behind me and whispered in my right ear. 

"Oo,babalatan ka namin..tapos gagawin naming pulutan ang makinis mong balat, ano?"

I attempted to stand pero tumabi na siya ng upo sa akin at inakbayan na naman niya ako.

"Joke lang!kalma!may kikilatisin ka lang namin Tisoy!hindi ka namin makakanti dahil siguradong babalian kami ng buto ni Boss Jack!"anito. 

Kumalma ako, pero kumakabog pa rin ang dibdib ko. 

One of the long hair guy poured a crystal clear liquor sa isang babasaging basong nakalapag sa mesa, halos punuin niya iyon bago inialok sa akin.

I shook my head, ayokong uminom. 

"Iinumin mo?o uuwi kang may blackeye?!" the bald guy beside me clenched his fist. 

With full of resentment ay kinuha ko ang baso, I raised it and inspected it bago binaba muli sa mesa. 

"Fine." Usal ko.

"Oh fine daw!kampay!!!!" the guy sitting across me raised his glass then made a toast. 

Honestly, it's my first time na makipag inuman sa mga tambay, and I find it weird, yet cool. 

Nang humagod ang alak sa aking lalamunan ay para akong maduduwal, medyo matapang ang inumin at bago sa aking panlasa kaya para akong masusuka. 

Kalahati lang ang nainom ko then return the glass on the table. 

"What type of liquor is that?"tanong ko, hindi pa rin madrawing ang mukha ko. 

Nagkatinginan ang dalawang may mahahabang buhok sa aking harapan.

Napaigtad na naman ako when the bald guy placed his left hand on my right shoulder sabay turo ng inumin. 

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon