70

196 25 73
                                    

#WelcomeToTheFamily

Jack

Madaling araw na akong nakauwi kagabi dahil sinabon pa ako ng hepe namin matapos kong barilin sa binti  ang presong nanghostage kay Simon.

Hindi naman napuruhan yung lalaki, malayo nga lang sa bituka ang tama dahil daplis lang naman yun,ang arte lang talaga ng pocha.

Madaling araw na nga ako nakauwi ang aga ko pa pinabalik sa presinto. Paper works as it is, badtrip kaya mas gusto ko ang operation kesa nitong nagsusulat at nag eencode ng mga kaso,na kung hindi pagnanakaw,e kaso ng nga mag asawang nag-aaway dahil sa kabit,pagka sugarol at lasenggo.

Kakapasok ko lang sa presinto ay may tumawag na sa akin.

"B!"

Umangat ang gilid ng labi ko bago lumingon sa kanya.

Sinuyod ko siya ng tingin. Tengene,ang bango niyang tingnan sa suot na white button-down shirt,beige short pants and white sneakers.

Pakiramdam ko ngayon ay nag slow-mo siya habang naglalakad palapit sa akin.

"B?"

"Huh?"sagot ko.Hindi ko na namalayang nasa harapan ko na siya.

"Sabi ko,kumain ka na ba?"

"Tinanong mo yun?bakit parang wala akong narinig?"

He smile."Maybe because,you are smitten by me?"

"Ano?"

Mas lalong lumapad ang ngiti niya,na pati mga magagandang mga mata niya ay nakangiti na rin.

Nagsalubong na ang kilay ko.

"So.. breakfast?"tanong niya ulit.

"May trabaho pa ako."Sagot ko.

Tinalikuran ko siya ngunit humarang siya sa daraanan ko.

"Coffee?"

Hindi ako sumagot at tumingin lang sa kanya.

"Just wait here..kukunin ko sa kotse ko."Aniya sabay alis sa harapan ko.

Pinagmasdan ko lang siya at nakita kong hindi lang isang kape ang dinala niya,kundi marami.

Anong trip ng isang 'to?

"Manang Fe,pakitulungan nga po si B."utos ko sa janitor namin.

"B?sino po yun?"

Ininguso ko si Simon.

Ngumiti si Manang Fe."Ah..yung gwapong lalaki kagabi."

Hindi na ako sumagot at derecho ng pumasok sa loob.

Binati ako ng mga kasamahan ko ng magandang umaga na sinagot ko naman ng tango.

Pagkaupo ko sa swivel chair ko,ay saka namang pasok ni Simon at Manang Fe.
Isa-isa nilang binigyan ng kape ang mga kasamahan ko.

"Wow,Mam,galante naman pala 'tong syota niyo e."Saad ni Po1 Lopez.

"Baka sa susunod may pizza na'to."Gatong naman ng isa ko pang kasamahan.

Sinamaan ko sila ng tingin.

"You want Pizza?well we can order now."Sabi ni Simon.Pauto rin 'to e.

"B?"tawag ko sa kanya.

"Oiee..May endearment call,ano yang B Mam?bebe?babes?baby?"

Natahimik si Po1 Roble ng tumingin ako sa kanya.

"Ayan,kasi Roble..marites kasi."Kantyaw ng mga kasamahan ko dito.

Napakamot sa batok ang loko.

"B?"tawag ko ulit kay Simon.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon