19

391 51 5
                                    

#SorryNa


Simon


I don't know what to do, kanina pa ako namomroblema at nag-iisip on how can I make it up to Jack.

Tabil kasi ng dila Simon!kastigo ko sa sarili.

"Sir?okay lang po ba kayo?" Toni asked. Nakasilip siya sa pinto ng aking opisina. Isa si Toni sa trusted and loyal staff ni Pops sa headquarters, she is also a working student at isa sa tinutulungan ng pamilya naming makapag-aral sa Mariano Marcos University. 

Huminto ako sa pagpaparoo't-parito at nakapameywang na humarap sa kanya. 

"Toni?paano ba humingi ng tawad sa isang babae in a unique way?"

Lumabi si Toni saka tuluyang pumasok sa opisina.

"Simply by saying sorry Sir."

Nakamot ko ang batok.

"Well, for sure it wont work for her."

Kumunot ang noo ni Toni.

"E bakit hindi magwowork Sir?malaki ba ang kasalanan mo?"

Sumandal ako sa gilid ng aking mesa.

I crossed my arms habang pinapadaan sa baba ng labi ang kanang daliri.

"I made her cry?"

"Yun lang," si Toni na nakaupo na sa couch."Hmm, what about flowers, Sir?"

Umiling ako. Sa angas ni Jack baka itapon pa niya sa mukha ko ang bulaklak, ni hindi nga niya nagustuhan yung binigay ni Jake sa kanya e.

"Ahm, chocolates?"

Umiling ako.

"Hindi sa diet siya, but I want to do more, yung tipong ma susurpresa siya, at wala siyang choice kundi ang patawarin ako."

"Ahh, alam ko na.." Tumayo siya at lumapit sa akin.

Bahagya akong yumuko para makabulong siya sa aking tenga.

"Seriously?"

She nodded and winked.

I took a deep sigh bago bumalik sa aking upuan.

"Fine, I'll think about it." Sabi ko, but the truth is I am hesitant na gawin ang sinasabi niya. It's just that...it's corny? Ugh!

Hindi na ako lumabas ng office,at binuhos nalang ang atensyon sa mga papeles na nakatambak sa aking mesa. Ni hindi nila ako napilit na mag snack, I am loaded and I am not even in the mood para makihalubilo sa mga tao.


5 O CLOCK IN THE AFTERNOON...

Nag-unat ako saka nagsimula ng magligpit ng mga gamit.

Bumukas ulit ang pinto at nakita ko na naman si Toni na nakasilip doon.

"Sir?ano ready ka na?"

Nagkibit balikat ako.

"I don't know if I can do it Toni?isa pa, hindi ko rin alam kung saan siya ngayon."

Napakamot sa ulo si Toni.

"Tawagan niyo Sir."

"Wala akong number niya."

"Social media?siguro naman meron siya."

Umiling din ako, well, hinanap ko si Jack sa facebook, Ig and Twitter pero wala, walang social media accounts.

"Ngee... napaka old fashioned naman pala niyang type niyo Sir, pero,uhm, swak yung sinabi ko sayo, kasi outdated yung technique na yun,baka mas ma appreciate niya."

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon