S2-33

240 28 48
                                    

#PapuntaPaLangTayoSaExcitingPart

Jack

"Anak!halika na!"sigaw ni Mam Liza.

Napalingon ako sa kanya,bakas ang pag aalala sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

Bago pa man ako nakasagot ay may narinig na akong palitan ng putok na alam kong mula sa labas,kaya alam kong nakarating na rin sina Gomez at ang iba pang mga kasamahan kong pulis.

At hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ng pinto ng bodega ay nakita ko agad si Gomez at kasama nito si Fructoso.

"Marasigan?okay ka lang?!"si Gomez.

"Oo Gomez."Sagot ko.

"Yung mga hostage nasaan na sila?"Tanong ni Fructoso.

"Nasa talahiban sa likod napatakas ko na sila."

"First lady?"si Gomez ng makita ang nakalapit na sa aking si Attorney.

"Mam?okay lang po ba kayo?"tanong ni Fructoso.

Napalingon ako kay Attorney at nakita ko ang pagbagsak ng luha nito.Alam kong nakakatrauma para sa kanya ang nangyari kanina at kung hindi ako nakarating maaring hindi lang buhay niya ang nawala kundi pati na rin ng mga bata at ilang trabahador ni Simon.

Tuluyan ng humagulhol si Attorney.

Ngumuso si Gomez na para bang sinasabi niyang yakapin at patahanin ko ang Mommy ni Simon.

Napakamot ako sa batok at naiilang na lumingon dito.Sa halip na yakapin ko siya at tinapik ko lang siya sa kanang balikat.

"My son....they took my son.."saad nito.

"Mam?may ideya po ba kayo kung saan nila dadalhin ang anak niyo?"

Umiling si Mam Liza."I don't know,ang alam ko lang..si Dayana ang fiancee niya ang may pakana ng lahat ng ito.Please help me..natatakot akong may masama siyang gawin sa anak ko."

"Kami na po ang bahala Mam,sa ngayon po,sumama na muna kayo kay Fructoso,dadalhin niya po kayo sa ospital para matingnan kayo ng doctor."Saad ni Gomez.

Humarap sa akin si Attorney at natuod ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Thank you so much for saving us again.Thank you...."

Nagdadalawang isip akong gumanti ng yakap kaya mahina ko nalang siyang tinapik sa likod.

"Tara na po Mam?"saad ni Fructoso.

May ngiti sa labi ni Mam Liza ng haplusin niya ako sa pisngi.

"You truly are a brave and beautiful woman.Now I know why my son loves you so much.Thank you darling,thank you so much for everything."

Pinagdikit ko ang labi saka tumango.

"Ililigtas ko po ang anak niyo."

Tumango siya sabay ng paglandas ng kanyang mga luha sa pisngi.

"Mag-iingat ka,hihintayin namin kayo ni Simon sa mansyon.Mangako ka sa akin ngayon na babalik kayong dalawa ng anak ko,mangako ka..."

Mataman ko siyang tiningnan sa mga mata kasunod nun ay aking pagtango.

Tuluyan ng sumama si Mam Liza kay Fructoso.Naiwan kami sa loob ng bodega ni Gomez.

"Marasigan may alam ka ba kung saan pwedeng dalhin ng mga tauhan ni Dayana si Simon?"

Umiling ako.

"Mukhang suicidal ang babaeng yun."

"Alam ko."

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon