9

396 53 12
                                    

#KasabayKaribal


Simon

I went to the police station and huminto sa tapat ng kainan na sinasabi ni Jack. Tama nga siya, Gusto kita ang pangalan ng resto.

Maliban sa catchy na pangalan ay makikita mo rin ang mga nakapaskil na mga
Menu sa dingding.

May IKAW, may  SAYO, may LAGI pa.

Iiling-iling akong napangiti. Maganda ang marketing strategy nila,alam nila ang target market nila at na reretain sa utak ng mga client nila ang unique na pangalan ng mga menu nila.

"Sir? Ano po ang sa inyo?" Tanong ng matandang babaeng tindera.

"IKAW"sabay kaming sumagot ng dumating na lalaki.

Lumingon siya sa akin, nagkatinginan kaming dalawa.

Nakasuot siya ng police uniform at base sa rank niya ay Po3 siya. Maangas niya akong tinanguan.

Tinatamad ko siyang tiningnan.

"Parehas po kayo ng order?" Ani ng tindera.

"Para sa my labs ko yan Aleng Chit."

Umarko ang kilay kong sumulyap sa pulis.

"Ay nako Sir Gomez,kilala ko na sino.."
nanunukso ang tingin ng matanda.

"Di ko ata nakita yung my labs mo ngayon sir ah, nakaleave po ba si Mam Jack?"

Kumunot ang aking noo.

Jack? Si Jack Marasigan ba ang tinutukoy nila?

He hissed. Preskong presko talaga.

"Nasa ospital ang my labs ko aleng Chit,nadisgrasya kasi sa motor,ayun napuruhan ang siko. Pupuntahan ko nga siya ngayon e,dadalawin ko,baka nagugutom na yun."

"Nako po, siguradong magugustuhan ni Mam Jack 'to, pero sir, sinagot na niya ba kayo? "

Sinuklay ng lalaki ang buhok gamit ang daliri.

"Well, ako pa? nagpapakipot lang yun ,pero sure ako,patay na patay na sa akin yun Aleng Chit,alam mo ba nung isang araw ,sabi niya sa akin gusto niya ng mahinhin pero matigas.. ako yun Aleng Chit!panigurado!"

Umigting ang panga ko and turned my gaze to smirked.

"Kayo po sir pogi?para saan po yung order niyo?"

I glared at the guy bago sumagot.

"For my wife,"sagot ko.

Lumapad ang ngiti ng matanda.

"Nakapunta na po ba yung asawa niyo dito?"

I smirked.

"She's a police woman Manang at dito din siya naka assign."

Nakita ko sa gilid ng mata na napatingin sa akin ang lalaking police.

What are you looking at? douchebag?!

Pareho na kaming nakapamulsa dalawa, nakatayo at naghihintay ng mga order namin.

He cleared his throat and I cleared mine.

Naunang ibigay sa akin ng matanda ang order ko, ngunit bago pa man ako umalis ay hinarap ko ang police at nanunuyang nginitian.

Alam kong nagtataka itong sinundan ako ng tingin papunta sa red bmw ko.

Pagkapasok ko sa kotse ay agad kong binuhay ang sasakyan para makalayo sa lugar na iyon.

Habang binabaybay ko ang daan pabalik ng ospital ay tumawag sa akin si Vinny.

"Yes, did you talk to Sandro? "

"I did Si.. papunta na ako ngayon kay Kim, so please dobleng ingat kayo diyan." Si Vinny.

"Alright, ikaw din, please let me know if you need help,and Vinny please stay away from trouble. Tatawag na rin ako ng police para mapuntahan ang lugar."

Vinny agreed bago tuluyang pinatay ang telepono.

Nahulog ako sa malalim na pag iisip. I am hesitant to tell Jack about sa sitwasyon ni Kim dahil alam kong susugod ito kahit na may sugat at pasa pa sa katawan.

I called Jake, and told him about the situation. May kutob na akong si Hector ang kumuha kay Kim.

That man is a lunatic!

Pagtapos ng ilang minuto ay tumawag na si Jake at kinompirma na napuntahan na ng mga police ang abandonadong ospital na pinagdalhan ni Hector kay Kim ngunit sa kasamaang palad ay nakatakas na naman si Hector.

Kumpirmado ring kasama na ni Vinny si Kim at ligtas na silang dalawa,yun ngalang ay wala naman akong ideya kung saan sila nagpunta dalawa.

Nakarating ako ng ospital at nagpark ng sasakyan.

Derecho na ako sa loob, sumakay ng elevator, tinahak ang pasilyo bago huminto sa harapan ng silid ni Jack.

Napabuga ako ng hangin, ewan ko ba,naiirita ako sa police na yun, ang yabang lang!

Tingnan ko lang kung mahahanap mo pa silid ni Jack!

Saisip ko sabay tanggal ng nakadikit na pangalan ni Jack sa patient info. Na nasa gilid ng pinto.

Maligaw ka ngayon! Tch!

Binuksan ko ang pinto, at agad nagsalubong ang mga mata namin ni Jack kaya kinabahan na naman ako.

Her death stare is making me nervous.

Damn it!


Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon