41

276 46 12
                                    

#NewAssignment

Jack

Nakarating kami sa ospital kung saan naroon si Kim at si Luke. Nauna na akong bumaba ng jyip, ang akala ko ay aalis na si Baste pero nagkamali ako dahil eto nga at nakabuntot pa rin sa akin hanggang sa makapasok ako sa loob ng ospital. 

"Magandang umaga Sir Baste!" bati ng mga nurse na nagpapacute sa kanya. 

Saglit ko siyang nilingon, ang siste ay ang ay ang lapad pa ng ngiti. 

"Miss,saan ho ang kwarto ni Luke Madrid?"tanong ko sa dalagang nurse sa reception area. 

"Kaano-ano po kayo ng pasyente Mam?"

"Matalik na kaibigan siya ng kapatid ko." Sagot ko. 

Tumango ang nurse. 

"Yung kapatid niyo ba e yung may pagkabilugan ang mga mata, wavy ang buhok at cute?"

Tinanguan ko siya. 

Hinagilap agad ng nurse sa computer nito ang room number ni Luke. 

"Nasa ICU 2 po ang pasyente,Mam." 

Kumunot ang aking noo. ICU?ibig bang sabihin malubha pa rin hanggang ngayon ang kalagayan ni Luke? 

"Sige."Tipid kong sagot sa nurse at madali ng umakyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng ospital kung saan naroon ang sinasabi nitong ICU 2. 

Panay bulungan at mahinang tili ng mga nurse sa tuwing nasasalubong namin sila ni Baste. Alam kong si Baste ang tinitilian ng mga ito dahil aminado din akong malakas din ang dating nitong mokong na kasama ko.  

Pagkaliko namin sa bandang kanan ng pasilyo ay naaninag ko na ang pamilyar na bulto ng katawan ng babaeng nakatayo sa harapan ng transparent window ng isang silid.

Nakuyom ko ang aking kamao at agad nabuhay ang galit sa aking puso. Alam ko at sigurado akong si Hector ang may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi lingid sa aking kaalaman ang pagkagusto nito sa kapatid ko, dahil unang-una malaki ang pagkakahawig ng kapatid ko sa kinababaliwan nitong si Isabel. Dahil katulad ni Isabel ay maamo din ang mukha ni Kim na siyang kinababaliwan ni Hector.

Dahandahang lumingon sa kinatatayuan ko si Kim at ng makita niya ako ay agad siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. 

"Ate!!!!" 

Hindi ko magawang yakapin siya pabalik kaya ang ginawa ko ay tinapik nalang siya ng mahina sa likod. 

"Ate!si-si Erin, at si He-Hector, sila ang may gawa sa amin nito. Si-Si Luke,sinalo niya ang bala na para kay Vinny kaya ganito ang nangyari...ate natatakot ako!natatakot ako na baka mawala si Luke na baka----"

"Sssshhh.....hinding-hindi bibitaw si Luke dahil nandito ka sa tabi niya,Kim." 

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Kim at luhaang tumingin sa aking mga mata. 

"Si-si Vinny ate, si-sinaktan ko siya, pero wala akong magawa ate, kailangan kong gawin yun para hindi na na siya madamay at para mabuhay si Luke..ate ..."

Pinahid ko gamit ang aking mga daliri ang kanyang mga luha. 

"Maiintindihan ni Vinny ang ginawa mo Kim, sigurado ako dun."

Suminghap si Kim, sabay pahid ng mga luha. 

"I-ikaw ate?si-si Kuya Simon alam niya bang nandito ka?"

Umiling ako. 

"Ba-bakit di mo pinaalam ate?pa-pano kung nag-aalala na siya ngayon?paano kung---"

"Kim,makinig ka, minsan kailangan nating mamili,gaya ng ginawa mo kay Vinny, kailangan ko ring iwan si Simon para piliin ka, mas kailangan mo ako ngayon at hindi ako makakapagfocus kung dalawa kayong babantayan ko." Paliwanag ko. 

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon