52

260 38 9
                                    

#LakasAtKahinaan

Drew


Nakasandal ako sa poste ng veranda ng bahay nina Simon.Maganda ang mansyon nila dito sa Batac,classic elegant at ang pinakagusto ko ay tahimik.Sadyang napakalayo sa magulong syudad ng New York kung saan ako nanggaling.

Kumuha ako ng yosi sa bulsa ko at nagsimulang manigarilyo.Saka namang pagdating ni Jack na umupo sa may tatlong baitang na hagdan at nagyosi din itong kagaya ko.

Bahagyang nakabuka ang mga binti ni Jack,ngayong nakita ko na siya ay hindi ko maunawaan kung ano ang nagustuhan ni Simon sa kanya. Kilala ko si Simon,mahilig siya sa mahinhin,mahaba ang buhok at babaeng-babaeng manamit.Pero si Jack?mukha kabaligtaran siya sa lahat ng gusto ni Simon sa isang babae.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo saka patuloy na naghithit buga ng sigarilyo.

"Salamat ha."Pagbabasag ko sa naghaharing katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Ibinaba ni Jack ang yosi sa gilid nito at pinatong ang mga bisig sa nakatuko nitong mga tuhod.

Tumingin siya sa malayo.

"Salamat Jack dahil bumalik ka,ang totoo napanaginipan ka ni Simon,at hindi maganda ang panaginip niya sayo dahil nagkasakit siya pagkatapos nun."Sabi ko.

Nagyosi muli si Jack,hindi pa rin siya nagsasalita.

"Kaya salamat dahil nagbalik ka."Dagdag ko.

Huminga siya ng malalim."Hindi rin ako magtatagal."Sagot niya.

Nalungkot ako sa narinig,dahil ibig sabihin nun ay maiiwan na naman si Simon.

"Jack..kung aalis ka,pwedeng magpaalam ka kay Simon kasi---"

"Hindi ako nagpapaalam sa taong babalikan ko pa."Makahulugan niyang sabi.

"Jack......"

"Pag nagpaalam na ako,ibig sabihin nun,hindi na ako makakabalik."dagdag niya.

Napakalalim ni Jack,hindi ko maarok ang lahat ng lumalabas sa bibig niya.Pakiramdam ko kasi lahat ng yun ay may mabigat na kahulugan.

Tumayo siya,namulsa at lumingon sa akin.

"Alagaan mo siya habang wala ako,dahil susubukan ko pa ring makabalik ng buhay para sa kanya."

Nakagat ko ang ibabang labi.Sa bigat ng sinabi niya ay naluluha ako.Langya naman oo!

"Kung sakaling hindi na ako makabalik,humanap ka ng babaeng magmamahal sa kanya at hindi siya sasaktan."

"Pero Jack,kilala ko si Simon,iba siya pag nagmahal dahil kahit gaano katagal maghihintay siya,maghihintay siya sayo Jack."

Iiling-iiling na ngumisi si Jack.

"At tsaka Ja-------"

"B!!!"

Bigla nalang dumating si Simon na agad na inakbayan si Jack.

"Saan tayo B?"tanong nito.

Seryosong tumingin si Jack sa kanya.

"Palengke."Tipid na sagot ni Jack.

"You mean market?but why?"si Simon na napalingon pa sa akin.

Nagkibit balikat ako.

"Walang laman ang ref niyo,mamalengke tayo."Saad ni Jack na nauna ng maglakad at iniwan kami ni Simon.

"B,sandali!"Si Simon na humabol na dito.

"I'll get my car."Sabi ni Simon.

"Mag co-commute tayo."Sagot ni Jack

Napalingon na naman si Simon sa akin,nakasunod kasi ako sa kanila.Pocha third wheel ang eksena ko ngayon kainis!

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon