4

506 58 17
                                    

#Alibi

Jack

Kinuyom ko ang aking kamao ngunit hindi ko pa man siya nasasapak ay inilayo na niya ang labi sa akin.

Namumungay ang mga mata niya dahil sa kalasingan.

"I miss you....Jacque..."

Aniya sabay bagsak ng ulo sa aking kaliwang balikat.

Tengene! Sino si Jacque??

"Nako Si!Bro?Bro?"

Nakalapit na sa amin ang bokalista ng banda kanina at niyuyogyog si Simon.

"Sorry Miss ah, nalalasing talaga siya ng ganito kapag ganitong nag cecelebrate kami ng birthday ng kapatid ko."

Tinanguan ko lang ang lalaki.

"Jake nga pala.." aniya sabay lahad ng kamay, ngunit tiningnan ko lang ang kamay niya.

Napakamot ito sa batok.

"Ahh.. pwede magpatulong sayo?isasakay lang natin siya sa kotse ko."

Seryoso akong tumango.

Inangkla ko ang kaliwang kamay ni Simon sa balikat ko samantalang ang kabilang kamay niya ay nakaangkla naman sa balikat ni Jake.

Lumabas kami ng bar at nagtungo sa parking area.

Tumunog ang isang Mclaren sa di kalayuan.

Umarko ang kilay kong napatingin kay Jake.

Tss!rich kid!

Pinasok namin si Simon sa passenger seat.

Napabuga ako ng hangin sabay hawak sa aking kaliwang balikat.

Pocha!ang bigat!

Umikot si Jake para pumasok sa drivers seat. Binaba niya ang window sa right side para sumilip sa akin.

"Ah Miss?"

Bahagya akong yumuko para tumingin sa kanya.

"Whats your name?"

"Jack,"sagot ko.

"What a coincidence, Jack then kasi ang nickname ng kapatid kong namatay 5 years ago."

Woo.. 5 years?5 years ng patay ang syota ni Simon?hindi pa rin siya nakakamove on? Tibay magmahal ah!

"Sige Miss, pasensiya na talaga, anyway nakita ko ang ginawa ni Simon sayo kanina ,ako na ang humihingi ng paumanhin."

Tumango ulit ako.

Nang umandar ang sasakyan ay hinatid ko nalang sila ng tanaw.

Pinunasan ko ng likod ng palad ang labi ko.

Hinalikan niya ba ako dahil namimiss niya ang syota niya?siraulong yun!

Iiling iling akong naglakad patungo kung saan nakaparada ang motor ko.

Napansin ko ang sunod sunod na pagdating ng mga sasakyan ng katropa kong pulis.

"Psst Boy?anong nangyayari dun?"ininguso ko ang bar na nasa kabilang bahagi ng kalsada.

Lumapit sa akin ang batang nakaupo sa gilid ng daan.May daladala siyang box ng kendi at yosi.

"Naku ate, nagkagulo sa loob,pinatulan kasi nong astig na babae yung isang member ng gang dito!"

"Paano mo nalaman?"

"E pumasok ako e nong nagkagulo na, gustong gusto ko kasi manood ng mga ganung bakbakan!ang astig nong babae at ang cute pa!" Anito.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon