42

239 54 15
                                    

#Jack&Simon



Simon 


Uminit agad ang sulok ng aking mga mata ng marinig ang boses ni Jack. Aminado na talaga akong miss na miss ko na siya. Pero tama si Drew,kailangan kong bigyan ng panahon si Jack na gawin lahat ng kailangan niyang gawin para sa oras na bumalik siya sa akin ay maging handa na siya,maging handa na siyang mahalin ako ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. 

I swallowed hard, composed myself bago siya muling sinagot. 

"B?"gumaralgal pa ang boses ko sa pagpipigil ko ng emosyon ko.

Pasimple akong siniko ng katabi kong si Drew. 

I looked at her, she smiled and nod saka lumayo na rin para makapag-usap kami ni Jack. 

I heard Jack cleared her throat. 

"Ku-kumain ka na?"tanong niya. 

Pakiramdam ko ay lumobo ang puso ko. 

"Ah..I just drink coffee."Sagot ko. 

I pressed my lips, pinipigilan ang sariling mapangiti. 

"Ahh..huwag kang magpapagutom." aniya. 

Yumuko ako at tuluyan ng napangiti. 

"O-oo naman. I-ikaw?kumain ka na ba?"

"Hindi pa." sagot niya. 

Saglit na naghari ang katahimikan sa aming dalawa,ngunit naririnig ko ang malakas na ihip ng hangin sa kabilang linya. Nasa tuktok ba ng bundok si Jack?

"B?"tanong ko.

"O."

"Huwag mong pababayaan ang sarili mo."Sabi ko ng buong puso. 

Natahimik siya. 

"B?"

"O."

Bumuntong hininga ako. 

"I want to give you my best,so please come back to me pag tapos mo ng gawin lahat ng dapat mong gawin,dito lang ako,I will wait for you,kahit na ilang sunset o sunrise pa ang dumaan, maghihintay ako sayo."

Naghari muli ang katahimikan.But it's fine with me, okay na ang ganitong katahimikan na nararamdaman ko pa ring nandyan siya,keysa ang katahimikang kahit hininga niya hindi ko na marinig. Ganyan ko siya kamahal. 

"B?"tanong niya. 

"Yes B?"sagot ko.



Jack POV: 


Siguro kong nakikita ako ngayon ni Simon,tumatalon na yun,lalo na ngayong nakangiti ako habang kausap siya sa kabilang linya. 

Nakatanaw ako sa malayo habang binibilang sa utak ang bawat pintig ng puso niya. 

"Gusto ko lang malaman mo na, mahalaga ka sa akin." Sabi ko. 

Nakikita ko sa balintataw ng aking mga mata ang malapad na ngiti ni Simon. 

"Talaga?"

"Oo,at--at gusto kong humingi ng tawad."

Tumahimik siya. 


"Sorry kung umalis ako na hindi nagpapaalam sayo,alam kong nasaktan kita,pero sana...."

"Ssssh..okay lang,alam ko,may mga bagay na dapat mong gawin na hindi ko na dapat malaman. B,I promised to understand you kahit mahirap kasi....kasi ganun kita kamahal..na---na kahit malayo ka,at hindi kita nakikita, mahal na mahal na mahal pa rin kita."

Umawang ang aking labi, totoo nga, totoo ngang mahal na mahal na ako ni Simon, pero ako?ano ang lugar niya sa puso ko. Alam kong mahalaga siya sa akin, pero natatakot ako, natatakot akong mahalin siya pabalik ng buong-buo dahil natatakot akong mawala siya sa akin. Natatakot akong ang pagmamahal ko sa kanya ang magpapahamak sa kanya pagdating ng panahon. 

"B?"tanong niya ng matahimik na ako. 

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at mas humigpit pa ang hawak sa telepono.

"Pa-paano kong hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal mo sa akin Simon?"

"B,Jack, okay lang, okay lang na mas mahal kita kaysa mas mahal mo ako, dahil mas gusto kong ako ang mag-aalaga sayo at magpoprotekta sayo habang buhay,kaya okay lang--okay?"

Napasinghap ako. 

"Simon...."

"B, huwag kang mag-aalala, hindi ko naman hihilingin sayong mahalin ako pabalik ng buo,kung ano ang kaya mo lang ibigay, tatanggapin ko, "

"Pero Simon...."

"Sssshh..okay lang ako. Basta okay ka lang."

Napangiti ako. 

"Nakangiti ka ba B?"Tanong niya. 

"Oo."

"Yes!!!!napangiti din kita!"

Hindi ako sumagot. 

"Ahh B?pwede magtanong?"aniya.

Kumunot ang aking noo.

"Ano yun?"Sagot ko. Umupo na ako sa rectangle na upuang gawa sa semento na nasa gilid. 

"Ahh...anong favorite color mo?"

"Tengene......talagang itatanong mo sa akin yan?"

"Oo,para naman malaman ko kung ano ang gusto mo,you know getting to know each other,ah, hindi,ganito nalang,huhulaan ko nalang...gusto mo?"

"Sige."

"Black!"sagot niya.

Napailing ako.

"E ikaw?anong paborito mong kulay?"tanong ko.

"Black na din!"aniya

"Ahhh, hindi tayo compatible."sagot ko.

"Huh?bakit?"

"Dahil Red and paborito kong kulay." sagot ko.

"Talaga?actually red talaga yung gusto ko e,dahil red ang---"

Napangiti ako.

"Sige na B,tatawag nalang ako ulit."sabi ko. 

"Talaga?so callmate na tayo?!"

Mas lalong lumapad ang ngiti ko. 

"Oo na.Hintayin mong ako ang tumawag sayo.B."

"Yesss!"sagot niya sa kabilang linya.

"O easy lang,baka lumabas puso mo,lumayas jan sa katawan mo." Sabi ko. 

"Okay lang, papunta naman to sayo."Hirit niya.

"Tss!sige na dami mong alam!"

"I love you B!"

"Good."

Pinatay ko na ang cellphone,dahil naninindig na ang balahibo ko sa kakornihan ng isang Joseph Simon Marcos na pinapangako kong poprotektahan ko habang buhay. 










A/N: Ke lapad ng ngiti mo Hija...

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon