7

425 50 4
                                    

#Callalily

Simon


Bahagya kong tinulak si Fhey ng halikan niya ako sa labi.

"Fhey?ano ba!"

I am mad, kasi alam ko naman na si Sandro ang gusto niya. What the hell is wrong with her?ano bang tingin niya sa akin?option?

"Why?Si? gusto naman talaga kita e!"

"Just shut up,Fhey!"

Dinismiss ko siya sabay baba ng yate.

Hindi ako nagkakamaling si Jack ang nakita ko kanina, pero anong ginagawa niya dito?sinusundan niya ba ako?pero imposible naman ata yun?maliban lang siguro kung gusto niya akong sapakin dahil hinalikan ko siya ng walang permiso. 

Hinanap siya ng mga mata ko hanggang sa makita ko sa di kalayuan ang umalis na motorsiklo.  Malakas ang kutob kong si Jack iyon. 

Anong ginagawa niya dito?

"Si?let's go!"si Jake.

Nasa deck na siya at tinatawag ako.

Bumalik ako sa yate at di nagtagal ay pumalaot na kami.

Habang masaya silang nagkukwentuhan sa labas ay mas ginusto ko nalang na pumasok sa loob ng silid ng yate at matulog. Yun nga lang kahit anong pikit ko ng mga mata ko ay ang mukha pa rin ni Jack ang nakikita ko.

Damn it!

Kinabukasan matapos ang mahabang preparasyon ay naganap din sa wakas ang kasal ni Isabel at Sandro. It is indeed a simple wedding, na halos kami kami lang din ang bisita.

Naiintindihan ko, dahil alam kong nag-iingat lang din si Sandro, lalo na ngayong alam niya, nakalabas na si Hector Ferrer.

Kumanta si Jake sa reception at ako naman itong nag gitara. Rain poured pero nagmistula iyong blessing para sa new chapter ng buhay ni Sandro at Isabel.

Nanatili kami hanggang 1 am ng madaling araw bago kami tuluyang umalis ng beach house at bumalik ng Batac.

Matapos makauwi sa mansyon at makapagbihis ay dumiretso na kami ni Jake sa Mariano Marcos Medical Hospital.

"Bro, nakita ko na siya ulit!"masayang sabi ni Jake ng makabalik siya sa kotse.

May kinausap na kliyente si Jake sa loob kaya nagpaiwan ako dito sa sasakyan. Eto nga at nakabalik siyang parang nakainom ng sampong energy drink sa sobrang hype.

"Nakita ko nga siya..." ulit niya.Tuwang tuwa ang loko.

"Sino?"walang gana kong tanong.

"Basta!nakita ko siya ulit at liligawan ko siya." aniya. Seriously namumungay pa ang mga mata niya.

"Are we going home?"tinatamad kong tanong.

"Nope!bibili lang ako ng bulaklak at babalik tayo dito,"sagot niya saka binuhay ang sasakyan at para bang nagkakarera sa daan sa bilis nitong nagmaneho.

Huminto kami sa tapat ng isang flower shop.

Lumabas agad sa sasakyan si Jake at pumasok sa loob ng shop. Ilang minuto ko pa siyang hinintay bago ito lumabas na may dala-dala ng isang bouquet ng pink calla lily na hindi ko naman alam kung saan niya ibibigay.

"Seriously?"angil ko ng pumasok siya at pumuwesto sa driver's seat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Seriously?"angil ko ng pumasok siya at pumuwesto sa driver's seat.

Inilapag niya pa ang bulaklak sa aking lap.

"Hawakan mo baka masira!"

"Ugh!" I rolled my eyes at iiling-iling na tumingin sa labas ng bintana.

Pagod ako,at gusto ko ng magpahinga, pero eto at sumabit na naman ako sa kalokohan ni Jake. Kung hindi lang talaga kailangang pumunta ako sa bahay nila, malamang ay nagpaiwan na ako sa mansyon para makatulog.

"You're nuts!"sabi ko.

"Just inlove!"sagot niya.

"Shut up.." wika ko.

He chuckled bago binuhay ang makina ng sasakyan.

Nakabalik agad kami sa ospital. Hindi pa siya nakuntento at talagang nagpasama pa siya sa loob.

Naghintay kaming bumukas ang elevator, at ganun nalang ang aking pagtataka ng pagbukas nun ay lumabas si Kim na umiiyak.

"Kim!"

"Kim!"

Tinawag ko siya ngunit hindi siya lumingon sa akin.

Honestly, nag-alala ako sa kanya. Sino naman kayang walangyang nagpaiyak dun?

Nagkibit balikat nalang ako, hindi ko rin naman masusundan si Kim, dahil eto nga at kailangan ko pang samahan si Jake.

Pumasok kami ni Jake sa loob ng elevator at huminto sa 3rd floor. Nakasunod lang ako sa kanya habang tinatahak namin ang kahabaan ng pasilyo.

Huminto kami sa isang silid. Hindi ko alam kung sino ang nakaadmit sa pribadong silid na yun.

Kinabahan ako.

"Jake?are you serious about this?"

"Yes, nasa loob ng silid na'to ang babaeng liligawan ko," aniya.

Shit!seryoso nga siya!

Ewan ko ba kasi dito kay Jake at ngayon lang naman itong naging Don Romantiko.

Pinihit niya ang pinto, ngunit sakto namang may tumawag sa phone niya kaya---

"Pakihawak Si,sasagutin ko na muna 'to." Aniya sabay bigay sa akin ng bulaklak. Yun nga lang ang nangyari ay tuluyang bumukas ang pinto ng silid at nakita ako ng nakahigang babae sa kama. Nakita niya akong may hawakhawak na bulaklak at animo'y naging statue na nakatayo sa bungad ng pinto at nakatingin sa kanya.

"Jey-----"

Napipi ako ng magkatitigan kaming dalawa.

Blangko lang ang ekspresyon ng mga mata ng babaeng nakahiga sa kama na may benda pa sa kanang siko.

Napalunok ako.

Shit Jake!

"Para sa akin ba yan?"tanong niya sa maangas na tono.

Nakagat ko ang labi at napabuntong hininga. Wala akong nagawa kundi ang pumasok at lumapit sa bed ni Jack.

Yes, you're right!si Jack Marasigan ang nakahiga sa kama.

Naloko na!

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon