S2-15

167 29 84
                                    

#Kaligtasan



Jack

"Marasigan!"

"Mejares!"

Nakatayo siya ngayon sa labas ng kubo ko.

"Mukhang masama ang timpla mo ngayon ah?okay ka lang?"Tanong niya habang binubuksan ko ang pinto.

"Hindi."Sagot ko sabay bukas ng pinto.

Sumalampak ako sa sofang gawa sa kawayan at nagsindi ng sigarilyo.

Umupo sa katapat kong silya si Joey.

"Problema mo?"tanong niya.

"Wala.Ano?may lead na ba sa kapatid ko?"

"Wala e,mailap yung impormasyon.Maiba tayo,dala ko na yung kotse ni Simon."

Bumuga ako ng usok sabay baba ng sigarilyo sa ashtray sa mesang nasa harap ko.

"Saan ka pupunta?"tanong niya ng tumayo ako.

"Susi."Sabi ko.

She threw the key na sinalo ko gamit ang kanang kamay ko.

"Saan ka pupunta Jack?"

"Ihahatid ko ang kotse."

"Anak ng!delikado Marasigan baka may makakita sayo!"pigil niya.

Nakatayo na ako sa pinto ng pumihit ako paharap sa kanya.

"Wala akong pakialam."Sagot ko

"Langya naman Marasigan oh!paano mo hahanapin ang kapatid mo niyan kung matotodas ka?!"

Huminga ako ng malalim.

"Apat na taon at kalahati akong comatose Mejares,pero binuhay ako ng Diyos,kaya huwag ka mag-alala hindi niya pa ako kukunin,alam niyang may misyon pa ako."

"Pero Marasigan.."

Tinanguan ko lang siya at tuluyan ng lumabas ng pinto.

'Babawiin ko ang akin!' saisip ko.

Dala ko ang sasakyan ni Simon na nasira sa Patoc-ao na pinaayos ko naman sa kasamahan kong si Javier sa talyer sa Suyo. Si Joey ang kumuha ng kotse,at balak kong itago muna iyon dito sa resort. Safe dito ang sasakyan dahil pagmamay-ari ng kamag anak nina Mejares ang resort na ito.

Hindi na ako nagtagal at nagmaneho na papunta sa mansyon ng Presidente dito sa Laoag.Isasauli ko ang sasakyan at sasabihin ko na kay Simon ang totoo.Kailangan kong gawin to dahil napagtanto kong hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.

Nakarating ako ng tuluyan sa mansyon at agad naman akong hinarang ng sampung psg sa gate. Mahigpit ang security mula ng may makapasok sa mansyon at malagay sa alanganin ang pamilya ng Presidenti limang taon na ang nakakalipas.

"Sino ka?"tanong ng psg.

"Mekaniko ako ni Simon,at ibabalik ko lang ang auto niya."sagot ko

Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa,bago siya tumawag sa intercom para sabihin ang pagdating ko.

Kalaunan ay pinapasok na ako ng mga psg maneho ang sasakyan ni Simon.Huminto ako sa harapan ng bahay at hinintay na lumabas siya ng pinto.

Nakapamulsa akong nakasandal sa kanang bahagi ng kotse habang naghihintay sa kanya.

"Jorge?"si Simon na halatang pinipigilan ang ngiti sa labi ng makita ako.

'Ngumiti ka na.Ako to,si Jack'saisip ko.

May kakaiba akong napansin sa kanya kaya hindi ko magawang isatinig ang sasabihin ko.

"Ah..oo,ayos na 'tong kotse mo.Hinatid ko lang."Sabi ko.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon