38

253 46 25
                                    

#Kidnap



Jack 


"Hello Kim?saang ospital nga kayo?"

"Sa Sorsogon Medical Mission Hospital Ate, dito sa Maharlika Highway sa lungsod." Sagot ni Kim. 

"Ah." 

"Ate?"

"O?"

"Saan ka na?"

"Barcelona,pero papunta na rin ako dyan." 

"Sige Ate,salamat."

"Sige." Tipid kong sagot sabay patay ng cellphone. 

Tantiya ko ay mahigit isang oras ang byahe mula dito sa Barcelona patungong lungsod kaya wala akong choice kundi ang sumakay ng pampasaherong jyip. 

Nakasandal ako sa poste ng ilaw ng dumaan ang isang jyip,pinara ko iyon at agad na sumakay kahit na bumagal lang ang takbo nito at hindi naman talaga tuluyang huminto. 

Tumingin sa akin ang lahat na mga lalaking pasahero sa biglaang pagsampa ko.

"Mapakarin ka?" tanong sa akin ng isang pasaherong sa tonong may paninita. 

May alam akong kunting bisakol na isa sa mga lengguwahe ng Southern Sorsoganon kaya naintindihan ko siya. 

"Lungsod." Tipid kong sagot. 

Makahulugan ang palitan ng tingin ng  apat na lalaking pasahero matapos akong sumagot . 

May nararamdaman akong kakaiba lalo na ng magtama ang mga mata namin ng drayber na kanina ko pa napansin na panay ang sulyap sa akin sa rearview mirror. 

"HMMMMMMMM!!!"

Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang boses na iyon na tila ba may nakatakip na tape sa bibig at humihingi ng saklolo. 

Nabaling ang atensyon ko sa pasaherong katabi ng drayber. 

Agad nagsalubong ang kilay ko ng mapansin ang isang pasaherong may nakabalot na itim na plastic sa ulo. 

Ngunit bago pa man ako nakakilos para sumaklolo ay may balisong ng nakatutok sa aking lalamunan mula sa katabi kong payat na lalaking may mahabang buhok. 

"Sige!sumigaw ka!kung ayaw mong bumaon 'tong balisong na'to sa leeg mo!"banta pa sa akin ng lalaking halatang hindi sanay sa ginagawa dahil nanginginig pa ang kamay. 

Tinaasan ko siya ng isang kilay,sabay halukipkip at chill na sumandal sa upuan. 

"Baka mahimatay ka muna bago mo mabaon sa lalamunan ko yan?" sabi ko. 

"Anong sabi mo?!hinahamon mo ba ako?!!" asik nito. 

Nanunuya akong ngumisi. "Nasobrahan ka ata sa kape Boy?nanginginig kamay mo oh!"Sabi ko.

"Aba'y!matabil ka ha!"

Talagang sasaksakin niya ako ngunit bago pa man niya nagawa iyon ay nahuli ko na ang kanang palapulsohan niya sabay bali ng kamay niya dahilan para mahulog sa sahig ng jyip ang balisong na hawakhawak nito.

"Araaayyy ko!"anito matapos kong pilipitin ang kamay niya.

Binatukan ko siya kaya takot itong umusog para dumikit sa mga kasamahan nito. 

"Tengeneng buhay 'to oo.'' Mura ko sabay pulot sa balisong. 

Isinandal ko ang kanang bahagi ng katawan sa gilid.Itinaas ang mga paa,sabay lapat ng mga ito sa mahabang upuan habang pinaikot-ikot sa kaliwang mga daliri ang balisong. 

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon