Epilogue

292 29 66
                                    

Kim

3 months later..

"Are you ready?"

Nakayakap ang mga kamay ko sa braso ko habang nakaharap sa transparent wall ng paliparan ng eroplano dito sa Espanya.

Pagkatapos ng tatlong buwan na paglalagi dito ay naisipan ko na ring umuwi ng Pilipinas.

Nilingon ko si Doc Vince,yes he survived the nightmare we had nang gawin kaming bilanggo ni Clark Gonzaga. And he is with me while I am healing. I stayed in his house here in Madrid habang patuloy akong nagpapagaling.

"Did he sign it?"aniya ng makalapit sa akin.

Huminga ako ng malalim sabay lingon sa kanya.

"Oo,pinirmahan na niya ang annulment paper."Sagot ko.

"And you're okay?"

Nagbaling ako ng tingin sa mga eroplanong nasa baba.

"It's for the better.Isa pa uuwi lang naman ako dahil gusto ni Ate na nandoon ako sa kasal nila ni Kuya Simon.Babalik din naman ako dito di ba Doc?"

"It's up to you.Are you sure kakayanin mo na siyang makita ulit?"

"Si Vinny?oo naman,sa tingin ko wala na akong nararamdaman sa kanya."

"E paano siya?paano kung may nararamdaman pa siya sayo?"

"Iiwas na ako Doc.Isa pa,uuwi din naman ako para maayos na namin ang napagbintahan ng bahay namin,then we can go on separate ways."

"So tuloy pa ba ang pagpapanggap natin?"

"As lovers?oo Doc."

"Hindi ba malakas manapak yung ex-husband mo?"

Malungkot akong ngumiti. "Mabait siya,at never ko pa siyang nakitang nanapak."

"Buti naman..pagkatapos ng mga sapak ni Clark sa akin noon,hindi ko na gugustuhin pang magalusan tong mukha ko.Paano ako makakapag asawa nito?"

Ngumiti ako. Doc accepted the fact na hindi ko siya kayang ibigin kaya nanatili ang pagiging matalik na magkaibigan naming dalawa.

"Buti pumayag siya."

"Dahil hindi ako uuwi hangga't hindi niya pipirmahan ang annulment,at isa siya sa magiging dahilan na  hindi matutuloy ang kasal  ni Kuya Simon at Ate Jack."

"Don't you think,you are too harsh on him?"

Huminga ako ng malalim.

"Again, it's for the better Doc."

He pressed his lips and nod.

Tinawag na ang mga passengers bound to Philippines. It's time for our flight.

Back to the place that once became my home.





Jack Pov:

"Anong sabi mo?pinirmahan na ni Vinny ang annulment?"

"Yes.Last month pa."Malungkot na saad ni Simon.

"Pero bakit?"uminit na ang ulo ko. Nasa opisina kami ngayon ni Simon.

Tumayo si Simon mula sa pagkakaupo sa swivel chair nito at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso,tinitigan sa mukha saka niyakap ng mahigpit.

"Ayokong matulad tayo sa kanila,kaya magpakatatag ka B."Aniya.

Huminga ako ng malalim.

Delayed na ng tatlong buwan ang kasal namin ni Simon,dahil saka lang ako magpapakasal kung uuwi si Kim. Siya lang ang natitira kong pamilya at ayokong wala siya sa importanteng araw ng buhay ko.

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Simon at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"I love you."

"Mahal mo pa rin ba ako kahit na hindi matuloy-tuloy ang kasal nating dalawa?"

"We got married under the moonlight remember?so in my heart,you are my wife already.Kaya....."

"Kaya?"

"Pwede na tayong gumawa ng baby?"bulong niya sa aking kaliwang tenga.

Inilayo ko ang mukha.

"Tss!"

Ang gwapo ng ngiti ni Simon.Nakakatanga.

Dinuro ko siya sabay iling."Itigil mo yan.."sabi ko.

"What?ano bang ginagawa ko?"aniyang nakangiti pa rin.

"Yang ngiti mong yan,diyan ako napapahamak,kaya itigil mo yan!"Sabi ko sabay talikod at tungo sa pinto.

"B?!B!"tawag niya.

Nilingon ko siya at pinanliitan ng mga mata pero nakangiti lang akong kinindatan ng loko.

"Tch!"angil ko sabay labas ng pinto.

Bakit ba anak na anak na si Simon?okay lang sana kung tiyan niya ang lolobo e akin naman.Tapos dinadaan pa ako sa ngiti,tch!hindi ba niya naiisip na baka atakihin ako sa puso?sa sobrang................kilig?

Tinamaan na talaga ako,tengene!

Pagkasarado ko ng pinto ay saka namang kita ko kay Vinny na naglalakad sa hall patungo sa kung saan ako nakatayo ngayon.

"Vinny?"

Nag-angat siya ng mukha.

Naantig ang puso ko dahil kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Mas gumwapo si Vinny dahil pumayat pa ito lalo,ngunit sakto lang din naman sa tangkad nito.

"Ate.."sagot niya ng makalapit siya sa akin.

Niyakap niya ako.

Ramdam ko ang bigat ng kalooban niya.

"Sige ate,pasok na muna ako sa loob."Paalam niya sa akin.

Hindi ko alam anong itatanong sa kanya,o sasabihin man lang,dahil kahit na ako ay nagulat din sa nabalitaang tuluyan na nga silang hiwalay ng kapatid kong si Kim.

Nilingon ko ang saradong pinto ng opisina ni Simon bago nakapagdesisyong tuluyang umalis para mabigyan ng pagkakataong makapag usap ang magkapatid.



Simon Pov:

Bumukas ang pinto at pumasok si Vinny.

"Kuya?nasabi mo na kay Ate?"

Malungkot akong tumango.

Vinny pressed his lips and nod.

"O-okay."His voice broke.

"Hey...."lumapit ako kay Vinny at niyakap siya.

"Wala na Kuya...talo na...talo na..."

"Oh god....."

Vinny sobbed and my heart also broke into pieces dahil ramdam ko ang hirap ni Vinny sa tuluyang pagkawala ng taong pinakamamahal niya.

Kaya pinapangako kong hindi ako titingin o lilingon man lang sa iba.Hindi ko sasaktan si Jack dahil hindi ko kakayanin pag nawala siya sa akin. Hindi ko kaya.
















(Nagka-break si Author.Publish ko agad.)



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon