22

421 46 38
                                    

#PumikitKa

Jack

Nagtungo ako sa abad kung saan naroon ang tinutukoy na abandonadong gusali ni Hector. 

Alas 3 na ng madaling araw ngunit madilim pa rin ang kalangitan kasing dilim ng budhi ng demonyong haharapin ko ngayon. 

Malayo sa kabihasnan ang nasabing gusali, sa pagkakaalam ko ay gagawin sana itong condominium kaya lang hindi ito natapos dahil nga within the earthquake zone ang nasabing lugar.

Tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Maligayang pagdating Marasigan!"sagot ni Hector sa kabilang linya.

"Nasaan ang Papa ko?!"

Rinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya.

"Masyado kang atat Marasigan, mag enjoy muna tayo. Halika, akyat ka muna."

"Tengene mo Hector!"

"Ayan ka na naman eh, pinapainit mo na naman ang ulo ko e!akyat na sabi!"

Pinatay ko ang telepono ko at bahagyang tumingala sa gusali.

Nakakuyom ang kamao kong naglakad patungo doon.

May sampong palapag ang gusali ngunit hindi ko alintana ang pagod makarating lang ako sa tuktok.

Malakas at malamig ang simoy ng hangin ng makarating ako sa rooftop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malakas at malamig ang simoy ng hangin ng makarating ako sa rooftop.

Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko at titiklop ang mga tuhod ko sa pagod.Inilapat ko ang mga palad sa tuhod ko at bahagyang yumuko.Naubo pa ako, lumunok, bago umayos ulit ng tayo.

Tahimik ang rooftop, nakapagtataka dahil dapat ay nandito si Hector kasama ang Papa ko.

Tumunog ang cellphone ko ulit.

"Hello?"

"Marasigan..Marasigan...ang bilis mo talaga,bilib na bilib na ako sayo, sige na iligtas mo na ang ama mo!"Malademonyo siyang humalakhak sa kabilang linya.

"Tengene mo!nasaan ang ama ko Hector!"

"Woops..dumungaw ka, baka makita mo siya.." anito.

Nabalot ng kaba ang dibdib ko sa sinabi nito, kaya dali-dali akong tumakbo patungo sa railings.

Namilog ang mga mata ko ng makita kong hirap na hirap na nakakapit sa baba ng railings si Papa. Maga na ang kanang mata nito, punit-punit ang damit at puno ng pasa ang mukha.

"Pa!"sigaw ko sabay luhod at hawak sa kamay niya. Mabigat si Papa, kaya hirap na hirap akong hilahin siya pataas.

Tumingala siya ng bahagya at pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang awa sa kanya.

"Anak...." Nanghihina niyang saad. 

Nangilid na ang mga luha ko na pilit kong pinipigilan bumagsak dahil ayaw kong panghinaan ng loob si Papa.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon