S2-17

174 31 50
                                    

#Gatecrash

Jack

"Pa-paanong....anong...sa-saan...ba-bakit ka----"

Dinikit ko ang daliri sa labi ni Gomez."Ang tanga ng reaksyon mo kanina Gomez,pero mukhang namiss mo ako."

Naghiyawan ang mga kasamahan kong pulis dati.

"Patay ka sa asawa mo Gomez!"

"Mga baliw!loyal to no!....pero Marasigan,saan ka nagpunta?anong nangyari sayo?"

Sinundan niya ako hanggang sa maupo ako sa mesa ng isang dalagang pulis na kanina pa nakatitig sa akin.

Tinanguan ko ito,dahilan para pamulahan ito ng pisngi.Hindi ko gets kung bakit nagkukulay rosas ang pisngi niya at tila ba nahihiya sa akin.

"Jack?ano ba kasing nangyari sayo?"Si Gomez,sabay hila ng upuan.

"Naging sleeping beauty ako ng apat at kalahating taon."Sagot ko.

"Hindi ko maintindihan,anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo na yun."

"Ah..gu-gusto mo ng softdrinks?"alok sa akin ng dalagang pulis na nasa likuran ko.

"Nako Po1 Precilla,mukhang tinamaan ka ah!"biro ni Gomez sa kanya.

"Parang inaalok lang e."Nahihiyang tugon nito.

"Sabagay..lalaki nga nababaliw diyan,babae pa kaya,walang kupas talaga sex appeal mo Marasigan!"Saad ni Fructoso,dati ko ring kasamahan.Matangkad,moreno at may itsura.

Binasa at kinagat ko ang ibabang labi sabay suklay sa aking buhok gamit ang kanang mga daliri.

"Pogi mo pa rin Marasigan!"Si Fructoso ulit.

"Tss."Napapailing nalang ako.

"Nga pala Marasigan,tamang-tama binyag ng anak ko mamayang hapon,kunin kitang Ninang ha?"si Gomez.

"Talaga?sige ba."

"Yun oh!ibang klase,after 5 years bumait ka na Marasigan!"

Iiling-iling akong tumayo."Hindi ka pa rin nagbabago Gomez!may tama ka pa rin."Saad ko.

"Marasigan,kausapin muna kita."Si Tenyente na dumaan sa aming harapan.

"Noted Chief."Sagot ko.

"Marasigan!maligaya kaming nakabalik ka!"

Tinanguan ko si Gomez.

"Ang pagbabalik ng probinsyano este probinsyana!"dagdag nito.

Nagtawanan lahat.

"Ulol."usal ko bago tuluyang pumasok sa opisina ni Tenyente.

'Mahabang paliwanagan 'to.'saisip ko.

Samantala....

Simon

I went to my office here in Laoag,kailangan ko na munang magtrabaho para panandaliang makalimutan ang mga bumabagabag sa utak ko.

I am the CEO of one of the biggest exporting business here in the Philippines.My company export local goods such as coconuts(coconut oil) and woodcrafts to asia pacific region particularly in Singapore,South Korea,China,including Macau and Taiwan.

I am now working on getting some clients from Australia and New Zealand to,kaya kailangan ko na namang magbabad sa trabaho.Nakilala na ako sa larangan ng negosyo at hindi sa pulitika,it was Sandro's path after all and not mine.

"Sir?Mam Eleonor is here."saad ng secretary kong si Toni.

Binaba ko ang pen at naghintay na pumasok si Eleonor.Eleonor is one of Dads campaign manager during the Presidential Election,malapit ito sa pamilya namin,lalo na sa akin dahil kasa-kasama ko siya noong mangampanya sa Iloilo.She passed the bar exam last year and technically isa na siya sa mga company lawyer ng kumpanya ko.

"Si!"

"Hello Ele.What brings you here?"I asked,sabay tayo at sinalubong siya.

Ele is only 5 ft 3 kaya bahagya itong nagtiptoe para bumeso sa akin.Medyo tumaba na siya ng kunti pagkatapos makapanganak,but still look good with her ashgray short hair and pink flowery dress.

"Nakalimutan mo nuh?"aniyang,may himig na pagtatampo.

My brows creased."Nakalimutan ang alin?"

"Its my son's christening this afternoon,ano ka ba."

"Ah right!I am sorry,its just that ang dami ko lang iniisip kaya nakalimutan ko."sabi ko sabay balik sa swivel chair.

She sat on the opposite chair at pumangalumbaba sa aking mesa.

"For someone na ikakasal na?ikaw lang ata ang hindi excited.May problema ba?"

I pressed my lips and shook my head.

"You sure?"

Huminga ako ng malalim."Yeah."

"Ang lalim ah.Fine,hindi na kita kukulitin.Aalis na lang ako kasi kailangan maayos na ang venue para mamaya.See you!"

"See you,Ele."Tugon ko.

Mabilis na lumipas ang oras at kung hindi ako kinatok ni Toni at sinabihan na mag aalas tres na ng hapon ay tiyak makakalimutan ko na naman ang event na pupuntahan ko.

Hindi na ako nagbihis,I just tucked in my white buttoned down polo at tinupi iyon hanggang siko, paired with my black trouser and leather shoes.

Nagpabango na rin ako,kaya ng dumaan ako sa tapat ni Toni ay talagang nalanghap niya ang Tom ford-Neroli Portofino na pabango ko.

"Grabe Sir,ang bango mo siguradong maiinlab ang makakatabi mo mamaya."

I smiled at her. "Well..too bad I am getting married na."Sagot ko bago tuloy-tuloy na lumabas ng opisina.

I drove to San Agustin,church of Paoay kung saan gaganapin ang binyag ng anak ni Eleonor.

Pagdating ko ay iilan na rin ang mga sasakyan sa labas,may nakikita din akong mga pulis,which is expected dahil pulis ang asawa ni Eleonor.

I parked my white Maserati Ghibli car bago ako nagtungo sa loob ng simbahan.

Eleonor approached me ng makita niya akong papasok na ng simbahan.Iginiya niya ako sa bakanteng mahabang upuan sa harapan kung saan katabi ko rin ang mga ibang mga ninong at ninang ng anak nitong si August,named after the birthmonth of the child.

Dumating na ang Pari at nagsimula na ang misa,pagkatapos ay sumunod na rin ang seremonya ng binyag.

Nang matapos ang ceremony ay derecho na agad kami sa reception,which is gaganapin naman sa bahay ng pamilyang Gomez.

Malaki ang bahay nina Eleonor sa isang exclusive subdivision dito sa Laoag. The party is set at the garden kung saan may nakapalamuting mga berde at dilaw na lobo sa paligid,even the lights were captivating,at marami ding mga bata sa paligid which made the event alive and fun.

After a message of thanks from the couple ay nag umpisa na rin ang kainan.I prefer not to be served in my table  dahil gusto kong pumila din to get my own food.I dont want a special treatment at all.

Pagtayo ko ay aksidenteng namang nahulog ang tinidor ko sa lupa.

Pupulutin ko na sana ng may nauna ng gumawa nun sabay lapag ng tinidor sa mesa.

"Ang bango mo."Aniya.

My heart skip.The moment I raised my head to look at the person standing in front of me ay hindi na tumigil sa pagwawala ang aking puso.

"Ha-hi."I stammer.

Maangas niya akong tinanguan."Hello."sagot niya.

Kabado akong tumayo.

"Ah..wha-what are you doing here?"tanong ko.

Tinitigan niya ako sa mga mata bago nagsalita.

"Gate-crasher ako."Sagot niya sabay talikod at tungo sa buffet table.

"Jorge!"Tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon.

Kabado man but I tried to call her again by the name.......

"B!"I said.

My heartbeat accelerated,ng tumigil siya at dahandahang lumingon sa akin.

Blangko man ang tingin niya pero sapat na yun para tumigil sa pag ikot ang aking mundo.















Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon