S3-4

207 27 54
                                    

#WelcomeToTheFamily

Jack

Parang lalabas lahat ng kinain ko dahil sa nangyayari.Yung puso ko parang tatalon sa kinalalagyan nito,pati utak ko nablangko.

Ano pa nga ba ang dapat kung isagot kundi,OO!paano mo tatanggihan itong poging to,at paano din ako makakatanggi gayung korner na korner na ako ng pamilya niya.

Pag sinabi kong 'Hindi' malamang hindi lang si Simon ang masasaktan ko kundi pati na rin ang pamilya niya.Hindi naman sa ayaw ko,yun nga lang nabigla talaga ako,hindi pa nga ako nakakabawi sa pagkasamid kanina,eto naman at parang aatakihin ako sa puso dahil sa mga paandar ni Simon.

Langya!mukhang ako ata ang kauna-unahang taong mamamatay dahil sa pagtitimpi ng kilig.Potek!

Hindi na bumalik si Simon sa upuan niya,dahil matapos ang walang katapusang yakapan sa pagitan ko,ni Mam Liza at ng Presidente ay nagtuloy na ang selebrasyon sa balkonahe ng mansyon na nasa ikalawang palapag. Hindi naman ako gumaganti ng yakap,daig ko pa nga ang tuod habang yakap ako ni Attorney.

Magkatabi kami ngayong nakaupo ni Simon,ang kanang braso niya ay nakalapat sa likod ng aking upuan habang ang kaliwang kamay naman niya ay hawak ang aking kaliwang palad.

Tumingin ako sa kanya. Malamlam ang kanyang mga mata at may ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang Mom niyang tuwang-tuwa kausap at binabalita sa mga kamag anak ang pagpapakasal naming dalawa.

Mahal na mahal niya ang Mama niya.Naalala ko tuloy noon ang sinabi ni Irpat dati,na kung pipili kami ni Kim ng lalaking mamahalin namin habang buhay,siguraduhin naming mahal ng mga lalaking iyon ang Ina nila,dahil kung kaya nilang mahalin at respetuhin ng buo ang ina nila,paniguradong mamahalin din kami ng buo at may kaakibat na respeto na siyang pinakamahalaga.

Ngunit sabi nga ni Irpat,walang perpekto sa pag-ibig,gaya ng nangyari sa kapatid ko at kay Vinny.Sa pagmamahal kailangan may allowance ka sa pagkakamali ng isa at handa kang magpatawad,hindi mo siya kailangan balikan kung hindi mo na o pa kaya,gamutin mo muna ang sugat sa puso mo ng sa gayun pag bumalik siya handa ka na ulit na mahalin siya o mag move on na sa isa't-isa.

Sana hindi mangyari sa amin ang nangyari kay Vinny at Kim.Hindi ko hahayaan yun,ipaglalaban ko na'to hanggang kamatayan.

"Yes?"Si Simon ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"Mahal kita.B."Usal ko.

Hinalikan niya ako sa sintido.

"Mas mahal kita,B."Sagot niya.

Ngumiti kami sa isat-isa.Inilapat niya sa gilid ng kanang ulo ko ang kaliwang kamay niya para humilig ako sa kanang balikat niya.

Hindi naman siguro kami lalanggamin nito.

Nakasandal sina Sandro at President Bong sa may pasimano,parehong may hawak na basong may lamang mamahaling alak at napapangiti rin habang nakatingin kay Attorney LAM.

"I love them so much."Usal ni Simon.

Hindi ako sumagot pero naniniwala ako sa kanya.

"They're very excited for us.Are you?"Tanong niya.

Tumango lang ako.

"Wow!taas ng energy mo ah!mukhang excited ka nga!"Angil niya.

"Tss!"angil ko."Hindi naman ako katulad ng iba B."Depensa ko.

Ngumiti siya."Oo naman,kaya nga mahal kita dahil unique and authentic ka.The best!"

Nambola na naman 'to!

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon