13

394 57 12
                                    

#JackvsFhey

Simon

Hindi ko na kinulit si Jack dahil seryoso na itong nagsasalansan ng mga libro. Siya ang nag-aabot sa akin ng libro habang ako naman itong nakapatong sa ladder para mailagay ang mga libro sa itaas na bahagi ng estante.

Mabilis naming natapos ni Jack ang pitong kahon dahil hindi naman kami nag-uusap dalawa. Sa tuwing ina-attempt ko na kausapin siya ay sinasamaan niya ako ng tingin.

Hindi ako takot kay Jack, ayoko lang talagang makipag-away sa kanya, dahil sigurado akong matatalo ako, kahit hindi man siya magsalita.

Umupo si Jack sa sahig at sumandal sa bookshelves na nasa kanyang likuran.

Nakalapat sa sahig ang kaliwang paa niya habang nakatuko naman ang kanang tuhod at nakalapat doon ang kanang bisig niya.

Pinahid niya ng panyo ang pawis niya sa noo at sa leeg.

Habang ginagawa niya iyon ay nag-I slow mo siya sa aking paningin at di ko maikakailang sobrang hot niyang tingnan.

Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay agad akong nag-iwas ng tingin.

Tumayo ako at nagtungo sa pinto,ni hindi man lang niya ako sinulyapan o pinigilan.

Ibang klase!

"Kukuha lang ako ng snack." Sabi ko.

Lumingon siya sa akin at tinanguan ako.

Salubong ang kilay kong lumabas ng silid,saka bumaba sa kusina para kumuha ng ice cream at chips.

Nang makakuha ng icecream,tasa,teaspoons at chips ay mabilis na akong bumalik ng library.

Naabutan ko si Jack na nakapikit ang mga mata na tila ba natutulog.

Dahandahan akong humakbang palapit sa kanya at maingat na inilapag ang ice cream at chips sa sahig.

Nagkaroon ako ng pagkakataong titigan ang kanyang mukha ng yumukod ako sa harapan niya.

I am certain that she is not wearing any make up, pero napakinis pa rin ng mukha niya. Bihira nga lang siyang ngumiti  kaya na i-intimidate ang mga tao sa kanya.

Napangiti ako, ang titigan lang ang mukha niya ng malapitan ay kumakalma na ako.

Dahandahan siyang dumilat kaya mabilis akong napatayo.

"Ah—ice cream?"sabi ko.

Bahagya siyang nakatingala sa akin, hindi siya nagsasalita at blangko lang nakatitig sa akin.

Napakamot ako sa noo.

"Yeah right, wait.. allow me..."yumuko ako at binuksan ang takip ng ice cream.

Nakatitig pa rin siya sa akin.

"Hindi ako kumakain ng malamig." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya.

"What?"

Bumuntong hininga siya.

"Hindi ako kumakain ng malamig." Ulit niya.

"What??"

"Tengene....."

Tinaas ko ang dalawang kamay.

"I got it, okay? But why?"

She bit her lower lip at mukhang mas na badtrip ata.

"Alright. " suko na ako at naupo nalang sa tabi niya at sinarili ang ice cream.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon