S2-6

164 26 49
                                    

#FallsOfHappiness

Simon

Kung may pagkakaiba man kay Jack at Jorge yun ay ang tawa nila.Dahil ni minsan hindi ko pa naalalang tumawa si Jack,na naging masaya si Jack,pero ngayon,habang pinagmamasdan ko siya ay napapangiti ako,sumasaya ang puso ko dahil nakikita kong totoo ang sayang nararamdaman niya ngayon.

Tama bang ipaalala ko pa sa kanya kung sino siya?tama bang itanong ko sa kanya kung ano ang tunay na pagkatao niya? kung siya man si Jack,tama bang ipagkait ko sa kanya ang mga ganitong pagkakataon na tunay siyang nagiging masaya.

Sa puso ko,alam ko malaki ang posibilidad na siya si Jack,pero may parte rin ng pagkatao ko ang nagsasabing baka ibang tao siya at yung parteng yun ang nag uudyok sa akin na huwag ng alamin o sabihin ang tunay na pagkatao niya,dahil alam kong babalik ulit ang malungkot na Jack na minahal ko noong una,sa oras na guluhin kong muli ang mundo niya.

Nagtama ang mga mata namin,at ngumiti siya,I felt like crying,kaya tumayo ako,lumayo at nagpaalam na babalik na muna ng bahay.

Habang naglalakad ay napansin kong may nakasunod sa akin,ng lumingon ako ay nakita ko si Jorge.

Huminto ako para hintayin siya.

"Buma---"

Naputol na ang sasabihin ko ng bigla niya akong hatakin sabay takbo.

Nagpatianod na rin ako at sumunod sa kanya.

Hindi ako nakaramdam ng pagod marahil dahil kasama ko siya.Para lang din ang puso ko,na kailanman ay hindi napagod na mahalin siya.

Bumungad sa aming harapan ni Jorge ang isang waterfalls known as Sangbay ni Ragsak o mas kilala na Falls of happiness.

The place is breath-taking,and it is true that it really looked a 'Rook'chess piece overflowing with the right amount of cold water

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The place is breath-taking,and it is true that it really looked a 'Rook'chess piece overflowing with the right amount of cold water.

Lumingon ako kay Jorge at nakita ko siyang nakapikit,it seems like she's absorbing all the serenity of the magical place.

I just looked at her,tinitigan ko lang siya,hanggang sa makita ko ang pagpatak ng isang butil ng luha sa gilid ng kanyang kaliwang mata.

"Soulmate ba tayo?"She suddenly said that made me silent.

Sumikdo ang dibdib ko.

Lumingon siya sa akin.

I  clenched my fists inside my pocket.

"Destiny."Sagot ko.

Tumingin siyang muli sa talon.

"Naniniwala ka sa tadhana?"tanong niya.

Tumingin ako sa tubig."Naniniwala ako sa forever.Ikaw?"

"Ako?naniniwala ako sa always,yung palagi,palagi mo siyang mamahalin araw-araw at pipiliin araw-araw."

Napangiti ako."Bakit?ano bang tingin mo sa forever?"tanong ko.

"Tss,forever,para sa akin,future yun,kaya mas pinaniniwalaan ko ang always,dahil yun ang present,yun ang ngayon,mas gusto kong mahalin ngayon,bahala na ang bukas,si future,basta mas gusto ko piliin ako ngayon.Pocha!ang gulo!"nakangiti at iiling-iling niyang sabi.

Lumapad ang ngiti ko.'Ang cute niya.'saisip ko.

She pressed her lips and nod then she took a deep breath bago muling nagsalita. 

"Alam mo,kilala ang falls na'to na Falls of Happiness,pero alam mo ba sa tuwing pumupunta ako dito,nalulungkot ako at hindi ko alam kung bakit."

Nakita kong pinipigilan niya ang emosyon,sa pamamagitan ng mariing pagkagat niya ng kanyang labi.

She scoffed."Tengene no?hindi naman ako inaano pero nagdadrama ako.Ikaw?ano ang naramdaman mo nong makita mo'to?"

Nililipad ng hangin ang buhok niya ng tumingin siya sa akin at ilang segundo din akong  natameme bago muling nakapagsalita. 

"Masaya,na parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya."Sagot ko habang nakatitig sa kanya.

Malungkot siyang ngumiti at tumingin sa tubig. 

"Ganun ba?pocha nakakainggit ka naman,kasi ako,hindi ko alam kung bakit ang lungkot- lungkot ko,na para bang pakiramdam ko may gusto akong makitang tao,na para bang may namimiss ako,at nong makita kita,parang naibsan yung lungkot ko..na para bang..."

"Parte ako ng buhay mo?..."Dugtong ko.

Lumabi siya at nagkibit balikat. Hindi siya sumagot,sa halip ay ipinikit niyang muli ang mga mata.

Hinayaan ko siya,ayoko siyang pangunahan,dahil kung siya si Jack,marahil masasaktan siya sa kanyang malalaman.

"Pakiramdam ko ngayon para akong naliligaw at hindi ako makauwi.."she said in a sad tone. "Yung pakiramdam na para bang may kulang?na parang hindi ito ang mundo ko,na parang ang lungkot lungkot ko,bakit kaya ganun?nasisiraan na siguro ako ng bait,baka may tama na tong utak ko?ano sa tingin mo?"

Parang piniga ang puso ko sa bawat katagang lumalabas sa bibig niya kaya hindi ko na napigilang lumapit sa kanya.

Kinabig ko siya papalapit sa akin,ang kanang palad ko ay humahagod sa kanang braso niya.

If she is my B,then our love is like a compass,every direction leads us back to each other kahit na ilang taon ang lumipas,mahahanap at mahahanap pa rin namin ang isa't-isa.

"Naisip ko,sana may kapatid ako,para hindi ako ganito kalungkot,para may mapagsabihan ako,para may maprotektahan ako."Saad niya.

Natahimik ako.

If she is Jack,siguradong magwawala siya,magwawala siya sa oras na malaman niya ang katotohanan.

Huminga ako ng malalim.Sa halip na magsalita ay niyakap ko nalang siya ng mahigpit,then I closed my eyes and kissed her temple.

Pinigilan kong bumuhos ang emosyon, gaya ng pagpipigil kong sabihin sa kanya ang sinapit ng kapatid niya. 

"Sana hindi na lang ikaw si Jack,dahil alam kong masasaktan ka,at ayokong masaktan ka."




Author's note:

Well I guess,time for you to read the updates for book 2.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon