S2-9

179 28 63
                                    

#Hatid

Simon

Mabilis kaming nakarating ng Suyo na para bang namamalikmata lang ako.Palagay ko segundo lang ang tinakbo ng motor namin kaya sa isang iglap ay nakarating agad kami ng bayan.

Ang nakakamangha ay animo'y nag drift pa si Jorge ng huminto ang motor sa isang bus terminal,yung tipong tumunog pa ang  gulong na para bang nasa fast furious kami na palabas motorcycle version.

Kaya nagkakagusto dati kahit mga babae kay Jack dahil sa ganitong ugali niya. No need to explain,I am now convinced na iisa lang si Jorge at si Jack.Kung may amnesia siya?fine,maghihintay akong bumalik ang alaala niya.

"Baba na."Saad niya

Bumaba naman ako ganun din siya.
Tinulungan niya pa akong tanggalin ang helmet ko,dahilan para maglapit na naman ang mukha naming dalawa.

Kung wala lang mga tao sa paligid namin baka nahalikan ko na siya sa sobrang paghanga sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo ng mapansin niya ang paninitig ko.

"Okay ka lang?"maangas niyang tanong.

"Huh?"

"Huwag kang masyadong tumitig sa mukha ko at baka mamiss mo ako."

Hindi ko napigilan ang mapangiti.

Iiling-iling siyang binaba ang helmet ko sa motor niya.

"Hindi ka na pwedeng magtagal dito,nakilala ka ng mga rebelde at hindi malabong gawin ka nilang hostage para makahuthot ng pera sa Presidenti.O di kaya gamitin ka nila para mapa-oo ang presidenti sa lahat ng mga hihilingin nila.Nakuha mo?"

"Okay B."

"Ano?"

Nagkamot ako sa batok."Wala."

Tumango siya."Tara na."

Sumunod ako sa kanya,at nakita ko ang Farinas transit bound to Ilocos Norte.

Umakyat at pumasok kami sa loob ng bus at napansin kong punuan na sa loob.

Nauna si Jorge at nakasunod lang ako sa kanya.

May isang bakanteng upuan na pandalawahan,ngunit may babae ng naupo malapit sa bintana,not just a girl though,but a sexy woman,na chestnut brown ang maalon na buhok,naka crop top na pula at maikling short.She looked like a model to me to some liquor brand,malakas ang dating ng babae.

Nang lumingon ang babae ay agad napako ang mata nito sa akin.She smiled at me.

"Maupo ka,pogi."Alok niya sabay usog pa sa may bintana.

Tumingin ako kay Jorge,salubong na ang kilay nito.

"Baba."Biglang sabi ni Jorge sabay lingon sa akin.

"Ha?"

"Tss.Baba na."

"But?"

"Bakit?gusto mong tumabi sa kanya?"Sarkasmong saad ni Jorge sabay pasimpleng lingon sa naghihintay na babae.

"Ha?"Nalito ako ng kunti sa inaasal niya.

"Tengene,bahala ka nga sa buhay mo."Iritableng saad nito sabay lampas sa akin at naunang bumaba ng bus.

Sinundan ko siya at naabutan ko siyang pasakay na ng motor niya.

"Jorge sandali!"

Tumigil siya sa pagsusuot ng helmet at tumingin sa akin.

Katulad ni Jack noon,blangko na naman ang expression ng mga mata niya.

"Ahhh...hindi na ako sasakay don."Sabi ko.

Kumurap lang siya,ganun lang pero yung angas niya umaapaw.

"Sakay na."Aniya.

"Huh?"

"Ihahatid na kita sa inyo."

"Telege?"

Kumunot ang kanyang noo.Ubos agad ang pasensiya.

"Ah okay!yes!!"Sagot ko bago pa uminit ang ulo niya.

She scoffed."Parang binibini to..."halos pabulong niyang sabi.

"Sinong binibini?"tanong ko ng makaangkas na ako sa likod niya.

"Wala ng maraming tanong,ayusin mo na helmet mo,mahaba-habang byahe pa'to."Aniya.

Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko kahit na ng paandarin na niya ang motor.

"Humawak ka,baka mahulog ka."

"Sayo?"nakangiting sambit ko.

"Ano?"

"Wala.Saan ba pwedeng humawak?"nakangiting sagot ko.

"Bahala ka."Tipid niyang sagot.

A naughty smile curved in my lips.

Niyakap ko siya sa beywang,pero no epek,dahil tuloy lang siya sa pagdadrive.

"Okay na ba 'to?"I asked.

"Oo.Huwag ka ng madaldal."Sagot niya.

Sa halip na sumama ang loob sa sinabi niya,ay eto ako at parang tangang nakangiti.

Sa layo ng Laoag mula dito?tiyak na gagabihin na kami sa daan.Pero okay lang,as long as I am with her,I know I am safe.

Hindi na ako nagsalita,lalo na ng bumilis na ang takbo ni Jorge.I know she is now focus on the road at ayoko ng guluhin pa siya baka maaksidente pa kaming dalawa.

After a long hours of drive ay tuluyan na kaming nakarating ng Laoag,ni hindi man lang kabakasan ng pagod si Jorge ng makahinto at makarating kami sa harapan ng mansyon namin.

"Pumasok ka muna."Sabi ko matapos magtanggal ng helmet.

"Hindi na."Sagot niya.

Nalungkot ako,ayoko siyang umalis pero ayoko ring ipilit sa ngayon ang alaala niya,dahil alam ko naman kong saan ko siya hahanapin.

"Gabi na Jorge,delikado na sa daan."

"Wala akong pakialam."Pabalang niyang sagot.Jack na Jack talaga.

"Ahh.....kelan tayo pwedeng magkita ulit?"tanong ko.

Natigil siya sa pagkabit ng helmet ko sa harapan niya.

"Hindi na."Sagot niya.

"What?but why?"

"Hindi ka na pwedeng pumunta sa amin dahil mainit na ang mga mata ng rebelde sayo."

"Pero Jorge..."

"Anak ng...hindi mo ba gets?ayokong mapahamak ka."

Natahimik ako.

"Pumasok ka na sa loob."Utos niya.

"No."Sagot ko

"Tengene.Bahala ka."

Pinaandar na niya ang motor at aalis na sana ng kabigin ko siya para yakapin ng mahigpit.

Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko ang mga katagang miss na miss kita,kaya lang hindi ko magawang maisatinig.

"Mag-iingat ka."Sabi ko na lang.

Hindi siya sumagot.

"Lovey?!!Lovey?is that you?"boses iyon ni Dayana.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Jorge ng marinig si Dayana.

Jorge looked at me."Sige na.Hinahanap ka na ng syota mo."

"But B....."

"Liligawan kita,pag single ka na."Maangas niyang sabi sabay paharurot ng motor hanggang sa tuluyan siyang nawala sa aking paningin.

"Lovey?oh my god!I missed you!!"Si Dayana. na nakalapit na sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I miss you too......."In the back of my mind alam ko ang karugtong ng sinabi ko.'Jack...'dugtong ng isip ko.









Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon