S2-5

211 29 104
                                    

#BabalikSayo

Simon

When the call ends ay napatitig nalang ako kay Jorge.I am confused,on how things will work now. I am not convinced yet that Jorge is my Jack,and even if mapatunayan kong siya si Jack,paano naman si Dayana.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

I am sitting on the floor,staring at the girl,wishing na sana siya nga ang aking B.Ang.....

"Buhay ko..." usal ni Jorge habang tulog.

She's dreaming,a beautiful dream that made my heart beat so fast.

Umusog ako ng kunti para makalapit sa kanya,at hindi ko na napigilan haplusin ang kanyang pisngi.

Mainit pa rin siya at may lagnat.I dont want my hopes up dahil takot akong umasa at masaktan that is why I am thinking that maybe because of her fever kaya kung ano-ano nalang ang nababanggit niya.

"Buhay ko..."usal ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

Dahandahan siyang dumilat at ngumiti,ngunit kalaunan ay pumikit din siya ulit,hanggang sa tuluyan na ring nakabalik sa pagtulog.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi,and without hesitation ay lumapit pa ako ng kunti para dampian ng halik ang kanyang noo at kaliwang pisngi.

'Handa kong gawin ang lahat makapiling ka lang ulit....'saisip ko.

Hindi ko na napansin ang pag-ikot ng orasan,ang pagsikat ng araw,dahil tuluyan na rin akong nakaidlip sa tabi ng babaeng tinatangi ng aking puso.

Makalipas ang ilang oras...

"Sir?Sir?"nagising ako sa mahinang yugyog ni Manang Teresa.

"Ma-manang?sorry po nakatulog ako."

"Okay lang,ano ka ba.Syanga,ginising kita dahil inimbita tayo ni Kagawad Domeng,birthday ng asawa niya.Halika ka."

"Ah..o-okay po.Si Jorge nga pala?"tanong ko ng mapansing wala na sa higaan si Jorge.

"Ay naku,ayun,nagbubunting na ng sasakyan mo."

"Po?may lagnat pa po siya."

"Ewan ko nga ba sa batang yun,matigas ang ulo,sabi niya baka mamamatay siya sa kakahiga.Isa pa,kinakabahan daw siya sayo."

Pinigilan ko ang ngiti."A-ako?kinakabahan siya sa'kin?"

Napangiti na rin si Manang Teresa."Oo nga,nakapagtataka nga,sa tapang ni Jorge,ni minsan wala pa yang kinakatakutan,pero pagdating sayo,nako titiklop ata juniora ni Teodoro."

Napakamot ako sa batok."Pu-puntahan ko po muna siya Manang."

"O siya sige na,at kumbinsihin mong sumama sa atin,ano?"

"Sige po."Sagot ko,sabay ngiti.Inayos ko ang buhok,pati ang damit ko.I smell my shirt at ng di makuntento ay kumuha pa ako ng perfume sa bag ko at nagpabango.

Naubo si Manang Teresa,mukhang natalsikan ata ng kunti ang mukha niya.Ewan ko ba,sa excitement ay nakalimutan ko ng may kasama pa pala ako sa silid.

"Ehem..ang bango no?Hijo?"

"Ay..sorry po Manang."

"Sige na, pomorma ka na,este puntahan mo na."Saad ni Manang na may nanunukso pang ngiti sa labi.

Naiilang na lumabas ako ng silid,bumuga pa ako ng hangin sa may hagdan bago tuluyang bumaba.

Nasa ilalim ng sasakyan ko si Jorge,nakahiga at tanging kalahati lang ng binti ang nakalabas.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon