Bonus Scenes

163 23 24
                                    


Di nagtagal ay dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng krimen, ngunit hindi na naabutan ng mga ito siJack at si Simon. 

Derecho si Simon sa ospital para matingnan agad ng mga doctor habang si Jack naman ay tuluyan ng umalis para matulungan si Vinny na mailigtas si Kim. 

Nasa Cebu si Kim hawak ng isang ma impluwensiyang pamilya at kailangang makarating agad si Jack doon habang hindi pa huli ang lahat. 

Malapit lang ang Cebu,pagkalapag ng eroplano ni Jack ay hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Sinundo siya ni Vinny sa airport,mula sa lungsod ay kailangan pa nilang bumiyahe ng ilang oras para makarating sa isang liblib na lugar na pinagdalhan kay Kim. 

"Ate?"

"Bakit Vinny?"

"Kinakabahan na ako Ate,paano kong hindi na natin maabutan si Kim?"

Derecho lang ang aking tingin. 

"Makikita natin siya.Magtiwala ka lang."

Humigpit ang hawak ni Vinny sa manibela. Hindi silang dalawa lamang ang susugod sa lugar dahil may mga kasama na silang mga pulis. 

Pinasok nila ang masikip at mabatong daan, sa dulo noon ay may isang lumang bahay na katabi ng isang malaking lawa. 

Ang nakapagtataka ay parang wala ng tao sa lugar na iyon. 

Bumaba si Jack at si Vinny sa sasakyan at kasabay ang mga pulis na pinasok ang lumang mansyon. 

Wala na nga silang naabutan. Nagtungo si Jack at si Vinny sa ikalawang palapag ng bahay,ini-isa isang binuksan ang mga silid hanggang sa matigilan silang dalawa ng mabuksan ang pinakahuling silid sa dulo ng pasilyo. 

Malaki ang kwartong iyon at nakakalula ang mga malalaking painting ng inosente at maamong mukha ni Kim. Ang nakakabahala ay wala si Kim sa kwarto ngunit nakatali sa isang higaan ang isang binatang bugbog sarado ang mukha at tila ba wala ng buhay. 

Lumapit si Jack sa kama at inilapat ang daliri sa leeg ng binata. 

Buhay pa siya!

Dahan-dahang minulat ng binata ang namamaga na nitong mga mata. 

"Nasaan si Kim?!"tanong ni Vinny na nakalapit na rin sa kama. 

"Na-nakatakas siya."Sagot ng lalaki.

"Saan?saan siya nagpunta?"

Umiling ang lalaki."Hi-hindi ko a-alam, na-nahuli nila a-ako,ngu-ngunit nakatakbo si Kim."Anito. 

Kuyom ang kamaong huminga ng malalim si Jack.

Nahilamos ni Vinny ang mga palad sa mukha. "Shit!Kim where are you?!"

"Nandito lang si Kim,baka nasa gubat o di kaya sa bundok na nakita ko kanina sa likod ng bahay na'to."Saad ni Jack.

"Mag-madali kayo...da-dahil hi-hinahanap na siya ng mga tauhan ni Gonzaga, at-at pa-papatayin nila si Kim,da-dahil......."

"Dahil ano?"Si Vinny.

Animo'y nauuhaw na lumunok ang lalaki.

"Da-dahil...na-nalaman ni Clark, na-na buntis ang asawa mo."saad nitong nagpatigalgal kay Vinny.

"Ano?......"Nanghina bigla ang tuhod ni Vinny sa sinabi ng lalaki.

"Pi-pitong buwan na siyang buntis sa a-anak niyo."Dagdag ng lalaki. 

Nanghihinang napaupo si Vinny sa gilid ng kama.

"Jesus christ...."hindi makapaniwalang saad ni Vinny.

Bago pa man makapagsalita ulit ang lalaki ay may narinig na silang sunod-sunod na putok ng baril. 

Humugot ng baril si Jack. "Dito ka lang,Vinny."Saad nito sabay labas ng pintuan. 


Samantala....


Nasa loob ng kweba si Kim,nakakubli sa pinakasulok na bahagi habang naririnig ang mga yabag ng mga tauhan ni Clark na papasok na ng kweba. 

Nanginginig siya hindi lang sa takot kundi sa pagpipigil na mapasigaw.Malamig na ang pawis sa mga noo niya at pikit matang iniinda ang sakit ng tiyan niya. 

Pakiramdam niya ay lalabas na ang bata sa sinapupunan niya. Pero hindi maaari, hindi maaaring maisilang niya ang sanggol na kulang pa sa buwan. Pitong buwan palang ang bata sa sinapupunan niya at kung lalabas ang bata ngayon tiyak na mamamatay itong kasama niya.

"Vinny....Ate..tulungan niyo ako."Nanghihinang usal niya sa pagitan ng sakit at nararamdamang kaba. 



Samantala sa ospital na pinagdalhan kay Simon sa Laoag.


"Hindi!"napabalikwas ng bangon si Simon matapos ang masamang panaginip. 

Si Kim,Vinny at si Jack ang laman ng panaginip at isa sa kanila ang tuluyang namaalam. 



-----SCENES CONTINUATION IN BOOK 2 SEASON 2------

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon