S2-8

156 24 25
                                    

#Danger

Simon

Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan ng biglang may nagsipagdatingan na mga armadong lalaki.

May mga dala silang armas at halos mahahaba ang kanilang mga buhok.Isang lalaking may mahabang bigote at may bandanang pula sa ulo ang tuluyang pumasok ng bakuran.

Agad naman silang sinalubong ni Kapitan Teodoro ang ama ni Jorge.

"Napadalaw kayo Ka Berto?"tanong ni Kapitan na saglit pang lumingon sa amin.He looked at us,as if sinasabi niyang siya na ang bahala at kumalma lang kami.

Tumingin ako kay Jorge,tuloy lang ito sa pagkuha ng pulutan at pag inom ng lambanog na tila ba wala itong pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya.

May namumuo ng tensyon at kitang-kita ng mga mata ko kung paano nagkubli ang iilang mga kababaihan sa loob at likuran ng bahay nina Kagawad.

Nagtama ang mga mata namin ng lider ng mga lalaki at kung hindi ako hinawakan ni Jorge sa kaliwang bisig ay baka nilapitan na ako ng lider at sinaktan sa paninitig ko dito.

"Kumain ka lang jan."Seryosong saad ni Jorge.

"May bisita pala kayo?at mukhang mayaman.Kaya ba may handaan dito?"wika ng lider.

Puno ng otoridad ang boses niya at kahit sino ang makakarinig ay makakaramdam ng takot.Maliban nalang siguro kay Jorge,na tuloy pa rin sa pag inom ng alak.

"Kumain kayo Ka Berto,kaarawan kasi ni Kagawad kaya may handaan.Sige lang pasok lang kayo."Saad ni Kapitan.

Na realized ko ngayon na sila ay mga rebelde basi sa kilos at pananamit nila.

Kahit nakatalikod kami sa kanila ay ramdam pa rin namin ang pagpasok nila.Nabilang ko na sila kanina at umabot sila ng labing lima.

Nagitla ako ng may biglang lumapit sa akin sabay angat ng kanang palapulsohan ko.

"Mahal to ah."Saad ng isang rebeldeng kulot ang buhok at malaki ang katawan.Ang tinutukoy niyang maganda ay ang suot kong mamahaling relo na niregalo sa akin ni Mom.An expensive Rolex watch.

Mula sa peripheral ng aking nga mata ay nahagip ko si Jorge na natigil sa pagkuha ng pulutan at humigpit ang hawak sa baso ng lambanog na nasa mesa.

"Hubarin mo."Utos ng armado.

"Why should I?"bwelta ko.

"Potaragis!lalaban ka?!hubarin mo sabi!"Tinutukan na ako ng baril sa mukha ng rebelde.

Tatayo na sana si Jorge ng pigilan ito ni Evo at sinenyasang huwag ng makialam.

"Hubarin mo na!"

Wala akong nagawa kundi ang hubarin ang relo ko at ibigay sa rebelde,ngunit kahit ginawa ko iyon ay nagawa pa rin akong hambalusin nito ng baril nito sa kaliwang braso.

"Tengene."usal ni Jorge sabay tayo at tadyak sa sikmura ng lalaking rebelde.

Bumagsak ito sa lupa,sapo ang tinamaang tiyan.

Hindi kinuha ni Jorge ang baril ng lalaki ngunit nagbasag naman siya ng bote at ang matulis na hawak sa kanang kamay ang siyang tinutok sa leeg ng hindi na nakagalaw na rebelde.

Walang namutawing salita sa labi ni Jorge,ngunit nakakatakot ang pagiging seryoso ng mukha nito na tila ba anumang oras ay ibabaon niya sa leeg ng rebelde ang matulis na bagay na iyon sa kamay niya.

"Tama na yan.Mario?ibalik mo ang relo ng binata,hindi tayo nagpunta dito para magnakaw!"utos ng lider ng rebelde sa kasama nito.

Tumayo na ako at hinila si Jorge papunta sa akin.

Tumayo naman ang lalaki,sabay balik ng aking relo, ngunit nag iwan naman ito ng masamang tingin sa aming dalawa ni Jorge.

Napansin ko rin na kanina pa panay tingin at bulungan ng mga rebelde habang nakatingin sa akin.At kinabahan na ako ng pagkatapos bulungan ng isang rebelde ang lider nito ay naging makahulugan na rin ang tingin ng lider ng grupo sa akin.

"Jorge anak?umuwi na muna kayo ni Simon kami na muna dito."Wika ni Kapitan.Makahulugan ang tingin niya kay Jorge kaya alam kong may iba pa siyang nais ipahiwatig.

Jorge grabbed my left wrist sabay hila sa akin palabas ng bakuran nina Kagawad. Malalaki ang mga hakbang niya na tila ba nagmamadali.

Pagkarating sa bahay ay agad siyang umakyat at mabilis na ang naging pagkilos.Kinuha niya ang bag ko,nagsuot siya ng itim na jacket at binigyan pa ako ng helmet.

"Jorge what is happening?!"Kinakabahan at nag-aalala na ako.

May kinuha si Jorge na mahabang nilukot na papel sa may sulok sabay bukas non sa aking harapan.

"Ikaw to di ba?"tanong niya sabay turo sa mukha kong nasa kalendaryo.Kalendaryo kung saan may picture ng family namin bilang first family ng bansa.

"Ye-yes that's me."I said.

"Potek!anak ka ng presidenti?!"

"Ye-yes!bakit ba?!"

"Tengene nakilala ka nila at delikado ka dito kaya tara na!"

"What?!what do----"

Mabilis ng nakababa ng hagdan si Jorge,nagtungo ito sa likod bahay at pagbalik nito ay nakasakay na ito ng isang red off-road type na motor.

"Tengene ano pang hinihintay mo?sakay na!"

"Shit!"Usal ko saka dali-daling umangkas sa likuran niya.

Halos paliparin ni Jorge ang motor.Hindi pa man kami nakakalayo ay nakarinig na kami ng putukan sa aming pinanggalingan.

"Jorge!I heard gunshots!"

Hindi siya sumagot sa halip ay piniga niya pa ang clutch kaya halos lumipad na kaming dalawa sa bilis ng kanyang pagpapatakbo.





Authors note:

Tulog na muna ako,thank you sa pagiging abangers ng updates for SiJack.Nayt2!




Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon