75

169 27 32
                                    

#SnappySalute!


Joey Mejares: 


Ipinuwesto ko na ang baril ko sa balikat ko at ang dulo ay sa bakal na nasa harapan ko.Kahit masakit ang tinamaang hita at binti ay pinilit ko pa ding lumuhod pala makakuha ng eksaktong anggulo.

Sa tuwing nagpapaputok ang sniper ay nagpapaulan din ako ng bala para huminto ito at makalapit si Jack sa bomba.

Ngunit sa sunod na putok ng sniper ay nakita kong bumagsak si Jack,hawak nito ang kanang braso at namimilipit sa sakit na bumagsak sa lupa.

Tumingin sa kinaroroonan ko si Jack,kaya bumagsak ulit ang mga luha ko. Tumango siya,ibig sabihin nun ay may tiwala siya sa akin at okay lang siya.Ganun si Jack,kahit walang salitang lumalabas sa labi niya, maiintindihan mo naman ang sinasabi ng mga mata niya.At kahit hindi siya okay,nagpapakatatag pa rin siya para hindi panghinaan ng loob ang kasama niya.

Nakita kong pilit na tumatayo si Jack sa kabila ng mga tama,kaya lumakas na rin ang loob ko at tinapangan ko na rin ang sarili.

Hirap na hirap ako dahil pinapaputukan na rin ako ng sniper dahilan para matalsikan ng kung ano ang kanang mata ko.Saglit kong nabitawan ang baril ko,dahilan para mapunta na naman kay Jack ang atensyon ng sniper at siya naman ang pinuntirya nito.

Blind spot kung maituturing ang posisyon ng kalaban namin kaya suntok sa buwan na para matamaan ko pa ito dahil sa pumasok na maliit na debris sa mga mata ko. 

Nakalapit si Jack sa may upuan ngunit halos manlumo ako ng makita ko itong matamaan sa kanang hita at bumagsak na naman sa lupa.

"Potangina!"Dinampot ko ang baril ko at sunod sunod na nagpaputok.Uubusin ko ang bala ko,maisagawa lang ni Jack ang misyon niya. Kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mga mata ko ay ang pagpapaulan ko naman ng putok sa kalabang sniper. Sa wakas ay nagtagumpay ako ng tumigil ang putok mula sa kalaban at tumahimik ang paligid.

Naubos na ang adrenaline ko at nanginginig ang mga kamay na sumalampak sa lupa at nabitawan ang baril. 

Saglit akong natulala bago lumingon sa kinaroroonan ni Jack na nakaluhod na sa may upuan habang ginagawa ang lahat mapigilan lang ang pagsabog ng bomba.

Lakad,luhod,bagsak sa lupa,bangon ang nangyari sa akin habang lumalapit ako kay Jack,dulot na rin ng dalawang tama sa kanang hita at binti ko.Marami na rin ang nawalang dugo sa akin ngunit alam kung hindi iyon maikukumpara sa dami ng dugong nawala na ngayon kay Jack.

Nang makalapit ako sa kanya,ay nasa kamay na niya ang cellphone na konektadu sa bombang nakakabit sa mansyon ng Presidente.

Gusto kong matuwa ngunit ng makita kong patuloy pa rin sa paggalaw ang segundo ng bomba ay nanlumo na ako.

Natanggal ni Jack ang phone ngunit mahirap ma neutralize ang bombang ginamit na nakakabit dito.

Nanghihina akong lumuhod sa nakaharap na sa aking si Jack.Nakaupo siya sa sahig at nakasandal ang likuran sa upuan.

Pagak siyang tumawa sabay ipit ng sigarilyo sa labi.Sinindihan niya iyon at bumuga ng usok.

"Tengene,ang talino ng pocha!"iiling-iling na saad niya.

Hindi ako sumagot,awang-awa na ako sa kanya.May tama siya sa taas ng dibdib,sa kanang braso at sa kanang binti.

"Jack...."

She smirked."Tu-tumakbo ka na....."nanghihinang saad niya.

Alam kong nanghihina na siya pero nakakabilib pa rin ang tapang na pinapakita niya sa akin ngayon.

"Jack...ta-tara na..lu-lumabas na tayo dito!ta-tara na!"

Umiling siya.

"Tu-tumakbo ka na,da-dalhin mo ang phone ng hi-hindi ito su-sumama sa pagsabog..si-sige na!"

"Pe-pero Jack!ano ba!potangina hindi kita iiwan dito!tara na!"luhaan ko ng sabi.

Jack smirked."Tengene..ang tigas ng ulo mo,umalis ka na..dahil pagsumabog yang cellphone na yan kasama natin!mamamatay ang pamilya ng presidenti!naiintindihan mo ba?"

"Pe-pero Jack---"Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko sa sobrang awa sa kanya.

"Da-dalawin mo ang pu-puntod ng mga magulang ko,at-ba-bantayan mo ang ka-kapatid ko,kuha mo?"

Kinuyom ko ang mga kamao,hindi ko magawang tumango,potangina!

Inabot ni Jack ang bomba sa likuran niya at idinikit iyon sa dibdib niya sabay pilit na tumayo.

"Sa'n ka pupunta?!Jack!ano ba?!!!"

"Se-second floor,ka-kailangan kong mailayo ang bom-bomba habang tumatakbo ka palabas pa-para hindi ka ma-madamay,kaya si-sige na!"Humakbang siya at nasubsob pa siya sa hagdan sa labis na panghihina.

"Anak ng!Jack!..."Luhaan akong lumapit sa kanya ngunit iwinaksi niya ang kamay ko sabay tutok ng baril sa mukha ko.

"Aa-lis ka,o babarilin kita?alalahanin mo,mas mataas ang ranggu ko sayo,so follow my goddamn order Mejares!"

"Pero--"

"Isa!"

Umatras na ako.

"Jack...."

Pinakita niya sa akin ang hawak na bomba.Dalawang minuto nalang ang natitira at sasabog na.

Kahit labag sa aking kalooban na iwan siya ay wala akong magawa. What I did is I just gave her a snappy salute para sa kabayanihang gagawin niya.

Tumango siya at sabay na kaming tumalikod sa isa't-isa.Ako palabas ng gusali at siya naman ay paakyat sa second floor para ilayo ang bomba.

Lakad,sapilitang takbo,bagsak sa lupa,bangon,at umiiyak na akong tumakbo palabas ng gusali. 



Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon