18

381 57 9
                                    

#YouMessedUpSimon!

SIMON

"Talaga mahal mo ako?"

Alanganin akong tumingin kay Natalie na nakayapos pa sa aking beywang.

"Yeah?"alanganin kong sagot.

"Akala ko kasi hindi mo ako type, iniwan mo kasi ako kagabi sa pool.' Aniyang lumabi.

Umarko ang kilay ko.

"Ahh.. ano..nahihiya lang ako." sabi ko.

"So tayo na?"

Sinagot ko siya ng tango.

Inangkla niya ang kamay sa aking leeg sabay halik sa aking labi.

"Sasabihin ko kay Jake!Oh my Gad!"

Tuwang-tuwa si Natalie na lumabas ng office ko. Ako naman, well, natuod at napasubo na ako sa katangahan ko.

Lumabas ako ng office, at habang kausap ang isang staff ay pasimple kong sinusulyapan si Jack na kausap naman si Mrs. Rosalejos sa may entrance ng building.

"Sir? baka gusto mong lapitan si Mam Marasigan?" ani Toni, halatang nanunukso.

"Huh?"

Ngumiti si Toni.

"Kanina pa kasi kayo nakatingin sa kanya."

Pinamulahan ako ng pisngi.

Pagkatapos naming mag-usap ni Toni ay lumapit na rin ako kay Jack at kay Mrs. Rosalejos.

Tumikhim ako.

Tinatamad na lumingon sa akin si Jack.

"Ah, pwede ba tayong mag-usap Jack?"

Isang beses lang kumurap ang mga mata niya, sabay tango.

"Sa office ko," sabi ko.

Nauna na ako,at ramdam kong nakasunod siya sa akin.

Pagkapasok ay humarap agad ako sa kanya dahilan para mapasubsob siya sa aking dibdib.

Hinawakan ko ang mga braso niya at dahandahang inilayo sa akin.

Napalunok kaming dalawa ng magtama ang aming mga mata.

"Ah..gu-gusto ko lang itanong kong anong ginagawa mo dito?" panimula ko ng magkaroon kami ng distansya sa isat-isa.

"Ah, psg ako ni Isabel, temporary lang." Sagot niya. Nakapasok na ang mga kamay niya sa bulsa ng leather jacket at nakasandal sa dingding.

"Ahh.. yung kanina..."

"Congratulations!" matabang niyang sagot.

Nakagat ko ang labi.

"Jack..about what happen sa..."

"Wala akong pakialam kahit sinong halikan mo."

Nagsalubong ang kilay ko.

"Right, gaya ng wala kang pakialam at iniwan ako sa motel." Bwelta ko rin.

"Tss!"

Mas nag-init ang ulo ko sa tinuran niya.

"Kaya ka ba nagmamadaling umalis para bumalik kay Jino?"

Mas lalong sumeryoso ang mukha niya.

"Siguro."

"Siguro?!talaga bang pinaglaruan mo lang ako?"

"Oo."

"Fu**!"

I kicked the small plastic on her side.

Pasimple niyang tinapunan ng tingin ang nabasag na plastic bin sabay walang ganang tumingin sa akin.

"Pinapunta mo lang ba ako dito para murahin at ipakita yang pagwawala mo?"

I glared at her, gustong-gusto kong magalit sa kanya, pero ang puso ko, langya, sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ay natutunaw ang puso ko.

"May girlfriend na ako."

Tumango siya."Pakihanap ng paki ko." sagot niya.

"Jack please...."

"Ano?"

"Nahihirapan na ako."

"Tengene, problema ko ba yun?"

"Yes!"

Natahimik siya at iiling-iling na pinihit ang knob ng pinto. Ngunit mabilis akong nakalapit sa kanya.

Kinorner ko na siya.

Nakalapat ang kamay ko sa pinto sa gilid ng kanang pisngi niya at eto naman siyang bahagyang nakatingala sa akin.

Blangko ang expression ng mga mata niya at mas nababadtrip na ako dahil gusto kong magsalita siya,gusto kong murahin niya rin ako, sigawan ako, para malaman ko naman ang laman ng puso niya.

Nagtaas baba ang dibdib ko, ng bumaba ang mga mata ko sa nakapinid niyang labi.

"Ayaw mo ba talaga?"halos pabulong kong sabi. Nanunuyo ang lalamunan ko sa pagpipigil na halikan siya.

Hindi siya sumagot at nilabanan lang ang aking titig.

"Pocha ang tigas mo naman Jack!"

Napalunok siya at nag-iwas ng tingin.

"Dahil kailangan." Tipid niyang sagot.

"Fine!sige bumalik ka kay Jino, total kating-kati ka namang puntahan siya di ba? kaya nga pinagmukha mo akong tanga sa motel!"

She clenched her fists.

Gusto kong bawiin ang sinabi ko, pero huli na.

Humakbang siya palapit sa akin and for the first time ay nakita kong nangilid ang luha niya.

"Siguro nga...kating-kati ako ng araw na iyon, pero alam mo ba kung anong naabutan ko?hindi si Jino kundi bangkay ng nanay ko,masaya ka na?"

Mabilis na pinahid ni Jack ang isang butil na luha na bumagsak sa kanyang kanang mata.

I am speechless.

Gusto kong sapakin ang sarili ko para bawiin ang masasakit na salitang sinabi ko sa kanya.

"I'm, I'm sorry, hindi ko alam...hindi----"

"Tch!wala ka talagang alam, kasi pinangunahan ka na ng galit mo,ng panghuhusga mo.Tengene Simon, matigas ako!pero nakakaramdam at nasasaktan din 'to." diin ni Jack na tinuro pa ang dibdib bago ako tinalikuran.

Lumabas siya ng pinto at dere-derechong lumabas ng headquarter.

Sinundan ko siya.

"Jack I'm sorry!"

"Tengene!huwag mo akong susundan kundi babarilin kita!"

Natigilan ako at walang nagawa kundi ang hinatid nalang siya ng tingin habang sakay ng motorsiklo niya.

You messed up Simon! Oh shit!







Authors corner:

Naiyak ako kay Jack, pasensiya na readers. Nakarelate lang...💔

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon