21

375 46 4
                                    

#JackVsHector

(Note:Half of the scenes in this chapter are connected to book 1 part 2# Sandro vs Hector.)

Jack

"Ospital"

Ala una na ng madaling araw, tahimik na ang paligid at maliban sa personnels ng ospital at iilang mga tao ay wala na ako masyadong nakita.

Nakita kong nakaparada ang sasakyan ni Simon sa parking lot kaya nagtuloy-tuloy na ako sa loob. Saglit akong huminto sa nurse station para magtanong kung nasaan ang silid ni Sandro.

Nasa VIP ang silid ni Sandro sa 3rd floor.

Sumakay ako ng elevator.

Kinapa ko ang dibdib.

Pocha!iba ang kaba ko!

Nagmadali na akong lumabas ng elevator at lakad takbo ang ginawa patungo sa silid ni Sandro. 

Pagkarating ay may narinig akong kalabog sa loob. 

Sinipa ko ang pinto. 

Tengene!si Hector!sinasakal si Sandro.

Mabilis akong nakalapit kay Hector sabay sipa sa tagiliran nito. 

Bumalya ito sa sahig.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon.

Kinubabawan ko siya at sinuntok sa mukha.

Paglingon ko ay nakita ko si Simon.

"Simon!si Sandro!"

Dinaluhong ni Simon si Sandro,samantalang tuloy tuloy ang pakikipagbuno ko kay Hector.

Palitan ang suntok at sipa naming dalawa.

"Jack!" sigaw ni Simon.

Malakas akong nasipa ni Hector sa sikmura kaya halos tumilapon ako sa dingding at bumagsak sa sahig.

Mabilis ang paglapit sa akin ni Hector na marahas agad akong itinayo.

Inangkla niya ang kaliwang braso sa aking leeg at tinutukan ako ng basag na piraso ng basong napulot niya sa sahig.

"Huwag kang lumapit!" sigaw ko kay Simon ng akmang lalapitan niya ako.

Panay ang atras ni Hector hanggang sa pinto.

"Ano?!wala kayong magawa dahil mahina kayo!" sigaw ni Hector. Umalingawngaw ang malademonyong halakhak nito sa buong silid.

Mas humigpit ang pagkakaangkla ng braso ni Hector sa leeg ko kaya halos hindi na ako makagalaw,kunting galaw ko siguradong masusugatan ang leeg ko sa patalim na hawak nito. 

"Sige lapit!Uhm..mahal mo ba 'to Simon?hmmm...ang bango ng leeg mo Marasigan!kasing bango ng Isabel ko!"

Nandiri ako ng halikan ni Hector ang leeg ko.

"Bitiwan mo siya!" sigaw ni Simon.

Humalakhak si Hector.

Dinilaan niya ang pisngi ko.

"Ang sarap...hmmmmm....."

"Walanghiya ka Hector!" sigaw ni Simon, pinipigilan na siya ni Sandro na saklolohan ako.

"Bitiwan mo siya!" si Simon ulit. 

Ngumisi si Hector, hinalikan niya ako sa pisngi sabay malakas na tulak sa akin.

Sumubsob ako sa sahig.

Bago pa man ako nakabunot ng baril ay nakalabas na si Hector at tuluyan na itong nakatakas.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon