24

353 49 19
                                    

#StayWithYou

Jack

Tatlong araw na ang nakakalipas. 

Lalabas na ako ng ospital ngayon para dalawin si Papa. 

Nakaupo ako sa dulong bahagi ng kama at nagsisilid ng mga damit sa loob ng aking duffle bag ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Simon na may dala-dalang isang bouquet ng blue roses. 

Alangan siyang bumati sa akin pero ginawa niya pa rin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alangan siyang bumati sa akin pero ginawa niya pa rin.

"Flowers?"

Alok niya sa akin ng bulaklak ng makatayo siya sa aking harapan.

Bahagya akong tumingala sa kanya para magsalubong ang aming mga mata.

"Di ba sinabi ko sayo, huwag ka ng pumunta dito?bakit ang tigas-tigas ng ulo mo?"

Napalunok siya.

Binaba niya ang bulaklak sa gilid ng kama at tinulungan akong magsilid ng damit sa dufflebag na para bang wala siyang narinig sa sinabi ko. 

Uminit ang dugo ko. Ano bang problema niya?!bakit hindi siya nakakaintindi?!hindi ko nga kailangan ng tulong e!

Galit kong inagaw sa kanya ang mga damit ko, ngunit hindi niya iyon binitawan.

"Jack, hayaan mo akong tulungan ka." Kalmadu niyang sabi. 

Bumitaw ako. 

"Tulungan?!hindi ko nga kailangan ang tulong mo di ba?! sinabi ko na sayong huwag mo na akong dadalawin dito dahil hindi kita kailangan!"

Bumuntong hininga siya at tahimik na pinagpatuloy ang pagliligpit ng aking mga damit.

Padabog akong tumayo at nagtungo sa pinto. Ramdam ko sa likuran na nakatitig sa akin si Simon.

Pagbukas ko ng pinto ay naglakad ako pabalik sa kanya sabay hawak sa kanyang kaliwang braso.

Hinatak ko siya.

"Umalis ka na!"

Pagtataboy ko sa kanya habang hatakhatak siya.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga at isinaradong muli ang pinto at humarap sa akin. 

Hinawakan niya ang kanang palapulsohan ko at dahandahang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanyang kaliwang braso. 

Sabay-------------

Natameme ako at natuod sa aking kinatatayuan  ng yakapin niya ako ng mahigpit.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. 

Hindi ako nakapag react ng halikan niya ako sa ulo at mas niyakap pa ng mahigpit. Sa ginawa niya ay tuluyang nalusaw ang lahat ng galit sa  puso ko. 

Mabigat ang daladala ko sa dibdib ko, dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala na ang mga magulang ko. Ilang araw kong kinimkim ang sakit ng pagkawala ni Mama para hindi panghinaan ng loob ang kapatid ko, ilang beses kong kinumbinsi ang sarili kong hindi na ako iiyak sa pagkawala ni Papa pero hindi pala, ang mga yakap ni Simon ang sumasampal sa akin ng katotohanang nasasaktan pa rin ako, at hindi magagamot ng in denial ko ang sakit sa dibdib ko dulot ng pagkawala ng mga taong iniingatan ko. 

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon