S2-11

173 28 51
                                    

#Rebelasyon

(Author's note: Revelations are heavy,every details are important,read it thoroughly..)

Jorge

Nakaupo pa rin kami sa pasimano ng balkonahe, at parehong may hawak na bote ng beer sa kamay.

"Gusto ko ng malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko Mejares,alam kong marami kang hindi sinasabi sa akin."

"Hindi ka pa masyadong magaling,alam mong hindi biro ang dissociative amnesia,baka kung pilitin mong alalahanin lahat,baka mas lalong hindi magbalik ang mga alaala mo at ano nalang sasabihin nina tiyang kung may mangyari sayo ha?mag-aalala ang mga yun."

Humigpit ang hawak ko sa bote.

"Talaga ba?alam mo bang pagkatapos ng nangyari sa Patoc-ao at habang bumibyahe kami dito sa norte,may tengeneng bumabalik sa alaala ko?"

"Marasigan..."

"At yan pa,bakit mo ba ako tinatawag na Marasigan,di ba Aragon ang apelyido ko?"

Natahimik siya.

"Sabihin mo sa akin ang totoo,hindi lang basta palayaw ko ang Marasigan,totoong nakakabit ang salitang yan sa pagkatao ko,at hindi ako mekaniko,may ibang trabaho ako di ba?sabihin mo,kung ayaw mong maghurumentado ako dito."Banta ko sa kanya.

Bumuga ng hangin si Joey,at kalmadong tumungga ng alak."Si kapitan Teodoro at Aleng Teresa,ay kamag anak namin ni Kuya,they agreed na magpanggap na mga magulang mo,at kami ni Kuya na mga pinsan mo,at oo Jack,hindi ka mekaniko,pulis ka,magaling na pulis."

Mariin kong naipikit ang mga mata bago dumilat ulit."Tengene!kaya pala ganun nalang ang kilos ko ng lapitan ang rebelde kanina.Yun pala---potek!at hindi ko mga magulang ang mga yun,at---pocha!hindi kita kamag-anak?langyang buhay to!ano pa ba ang hindi mo sinasabi sa akin?!"

"Jack,para sa kapakanan mo lahat ng ginagawa namin, may dahilan kung bakit tinago namin sayo ni Kuya ang totoo!"

"Ah ganun?alam mo bang nag umpisa ang mga katanungan sa isip ko ng makita ko yung anak ng Presidente?ha?"

"Yung anak ng Presidente?"

"Oo,si Simon,sabihin mo sa akin ngayon,ano siya sa buhay ko?"

Umiling si Joey."Hindi ko alam Jack,ang alam ko lang palagi ko siyang nakikitang dumadalaw sa puntod mo."

"Tengene!nong makita ko siya,kung ano-ano ng napapanaginipan ko,Mejares."Tumungga ako ng alak na para bang mauubos ko ang laman nun sa isang lagok lang.

"Baka nga..may mahalaga siyang parte sa buhay mo Marasigan."

"Hindi ko na alam,kaya sabihin mo sa akin ang lahat."

Huminga ng malalim si Joey bago nagsalita.

"Hindi ka pa masyadong magaling,Jack.Bilin ng doctor na kung maari---"

"Anak ng!mababaliw na ako Mejares kung hindi ko pa malalaman ang totoo!kaya sabihin mo na!"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Ikaw si Police Detective Jack Marasigan.At isang misyon ang dahilan kung bakit wala kang maalala.Mahigit limang taon na ang nakakalipas mula nong mangyari ang lahat."

Habang nakikinig ako kay Mejares ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko na tila ba kumokonekta ngayon sa ulo ko,na nagdudulot ng kakaibang kirot na tila ba mawawasak ang utak ko.Pero hindi ko pinahalata iyon,gusto ko ng malaman ang totoo dahil mababaliw ako pag hindi.

"Jack,noong panahong pinapatakas mo ako,binalikan kita at bago pa man sumabog ang bomba nakatalon na tayo palabas ng gusali,masama ang bagsak mo,at akala ko hindi ka na makakaligtas buti nalang at dumating si Kuya Brent,dinala niya tayo sa kaibigan niyang doctor,at nilapatan ng paunang lunas.Na coma ka ng apat at kalahating taon at akala namin hindi ka na magigising Jack,pero nagising ka isang araw ngunit wala ka ng maalala,at dahil yun sa maraming dugong nawala sayo kaya naapektuhan ang utak mo.Dagdag pa ng doctor na maaring nabagok din ang ulo mo  ng tumalon tayo mula sa ikalawang palapag ng gusali."

Tumungga siya ulit ng alak bago nagsalita.

"Sa Ilocos Sur tayo dinala ni Kuya,malayo sa kabihasnan at malayo sa nakakakilala sa atin,at sinadyang palitan ni Kuya ang pangalan mo para hindi ka matunton ng mga kalaban."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Jack,may sabotaheng naganap sa operasyon natin,isa sa mga kasamahan mong pulis ang gustong magpahamak sayo at gusto ng taong yun na madali ka,kaya sinadyang mali ang impormasyong binigay sa atin ng gabing yun."

"Sino ang taong yun?"

"Hindi ko alam,at hindi na nalaman ni Kuya,dahil namatay na rin yung taong pinagkuhaanan niya ng impormasyon."

Nakuyom ko ang mga kamao.

"Jack,hindi ka pa pwedeng bumalik ng hindi bumabalik ang alaala mo,delikado Jack,baka mapahamak lahat ng taong malapit sayo."

"Malapit sa akin?sabihin mo sa akin Mejares,maliban sa anak nong Presidente,sino pa ang taong malapit sa akin."

Huminga ng malalim si Mejares,ramdam ko ang pagdadalawang isip niyang sabihin sa akin kung ano mang nalalaman niya.

"Mejares..kailangan ko ng malaman ang lahat."

"May kapatid ka,Jack,si Kimberly Marasigan."

Nahilamos ko ang kanang palad sa mukha.

"Anak ng--"

"At tinago din namin yun sayo dahil sigurado kami ni Kuyang magwawala ka pag nalaman mo ang nangyari sa kanya."

Nanliit ang aking mga mata."Bakit anong nangyari sa kanya?"

"Nawawala siya Jack."

"Tengene!"usal ko sabay hagis ng bote sa harapan ko.

Tumayo akong mainit at tila ba pinipiga ang utak ko sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Jack sa'n ka pupunta?hindi ka pwedeng umalis,Jack.....Jack.....Jack anong nangyayari sayo?"

Umikot na ang paligid ko,kaya napakamit ako sa poste ng balkonahe.

"O-okay lang ako." Sabi ko.Sinubukan ko pa ring maglakad papunta sa motor ko.Naririnig ko si Joey ngunit unti-unting parang nilalamon ang boses niya na hindi ko maintindihan.

Hindi ko na nakayanan ang sakit ng ulo ko,ngunit bago pa man muling mabagok ang ulo ko sa lupa ay may bisig ng sumalo sa akin hanggang sa tuluyan na rin akong tinakasan ng malay tao.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon