59

196 32 13
                                    

#ThePlan

Jack

"So...Jack,kaya mo bang mag pretend na may nangyari sa atin?"tanong ni Brent.

Nakaupo ako sa dulo ng kama at tumingin sa kanya na nakapamulsa at nakasandal naman sa gilid ng pinto.

"Hindi."Sagot ko.

"Christ!"Utas niya.Nahilamos niya ang mga palad sa mukha.

Lumapit siya sa'kin.

"But you have to pretend,Jack!kailangan mapaniwala natin si Marco na may nangyari sa'tin!"

Kumurap lang ako,blangko pa rin ang reaksyon sa mukha.

"Please?"

"Okay."Sagot ko sabay higa sa kama at ginawang unan ang mga bisig.

Animo'y nabunutan siya ng tinik sa dibdib,ng pumayag ako."Thank you,Jack!"

Nakatingin ako sa taas habang pinagmamasdan ang mga naghahabulang butiki sa kisame.

"Jack?"

"O."

"Hindi ka ba natatakot?"

"Natatakot saan?

"Na baka mamatay ka dito."

Tumahimik ako.

"Jack?"

"Ano na naman?"

"Baka nagugu--"

"Pakiabot ng baril mo."Utos ko.

"What?anong gagawin mo sa baril?!"

"Babarilin ko ang mga butiking 'to, kanina pa ako naduduling sa kakakilos nila,hindi ako makapag-isip ng maayos."

"What?!ano ba Marasigan?can you please take this seriously?!ikaw lang ang na abduct na parang nagbabakasyon lang ah!hindi ka ba natatakot na baka katapusan mo na ngayon?o bukas?"

Huminga ako ng malalim sabay bangon.

Mainit ang ulo kong tumingala para tumingin sa mukha niya.

"Paano ka nakapasok dito?"Pag-iiba ko ng usapan.

Nakakapikon na kasi yung paulit-ulit na lumalabas sa bibig niya. Na baka mamatay ako,blah!blah!blah!sana naging grim reaper nalang tong gunggong na'to.

Natahimik siya at naglakad patungo sa bintana,binuksan niya iyon at umupo sa pasimano.

"Matinik at tuso ang mga Silvestre,at ni minsan hindi pa sila nahuhuli sa aktong nagtutulak ng mga illegal na armas at droga patungong ibang bansa,lalo na sa Sabah Malaysia.Sa katunayan,napag alaman kong malalaking opisyal ng gobyerno ang tumutulong sa kanila kaya hindi sila mahuli-huli sa akto.Isa pa,alam kong alam mo ang nangyayari sa mga pulis na sinubukang guluhin ang mundo nila. Pinapatay nila Jack,at yun din ang gagawin nila sayo."

"Paano ka nila hindi nakilala?"tanong ko.

Huminga siya ng malalim.

"I have my ways Jack.I have known Marco dahil sabay kaming lumaki sa ampunan. Magkababata kami,at naghiwalay lang ng ampunin ako ng isang mayamang Don na taga Mindanao at siya naman ay ampunin ng mag-asawang Silvestre dito sa Sorsogon."

"So,ampon pala ang gagu."Wika ko.

"Yes Jack,he is always trying to win his Dads approval,pero sadyang malayo ang loob ng Don sa kanya.Kaya lumala si Marco,naging ganid,sakim at mamamatay tao.Hanggang sa hindi na nakatiis ang Don,at eto na mismo ang gumawa ng paraan para patigilin si Marco sa kahibangan nito."

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon